Balita

Napakasara­p ng pakiramdam na sarili mong bansa ang nagbibigay halaga sa iyong pinaghirap­an –AiAi

- Nitz Miralles

Kabilang sa tumanggap ng award sa 12th Ani ng Dangal Awards si Ai-Ai delas Alas na malaki ang pasasalama­t sa natanggap na award.

Sabi nga niya, “Maraming salamat sa NCAA (National Commission for Culture and the Arts) ANI NG DANGAL AWARD para sa karangalan ito... Salamat din kay direk Louie Ignacio sa paggabay sa akin sa pelikulang SCHOLL SERVICE at sa BG Production­s sa paggawa ng pelikulang ito... napakasara­p ng pakiramdam pa gang sarili mong bansa ang nagbibigay halaga sa iyong pinaghirap­an sa larangan ng sining.”

Naka-open ang comment box sa post na ito ni Ai-Ai, pero sa kasunod niyang post na nabanggit si President Rody Duterte, in-off ni Ai-Ai ang kanyang comment box.

“Kahapon sa malacañang... maraming salamat po sa ani ng dangal.. congrats sa ating lahat... with exec secretary SALVADOR

MEDIALDEA at ang taong tuwing nagsasalit­a at may speech nakikinig akong mabuti tinitingna­n ko sya at kinikilala hindi naman siya perfect (nagmumura at minsan inaaway nya ang simbahan katoliko) pero wala akong masasabi sa LAYUNIN NYANG MAAYOS ANG BANSANG PILIPINAS (na napakahira­p gawin dahil maraming pasaway, maraming nagdudunun­g dunungan, maraming matigas ang ulo, maraming feelingera at feelingero) yun ang ramdam ko sa kanya... pero kahit mahirap ang laban... naalala ko tuloy last year ng nagpatawag sya ng dinner ng lahat ng supporters nya... ang nag- introduce sa kanya si madame honeylet duterte...sabi ni madam na maluha luha na naluha na din ako ANG TAONG SOBRANG MAGMAHAL SA BAYAN (parang to that effect) maraming salamat pangulo PPRodrigo ROA DUTERTE sa dedikasyon nyo sa inang bayan PILIPINAS.”

 ??  ?? ‘Ani’ Awardees
‘Ani’ Awardees

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines