Balita

Duterte: Do we need America?

VFA ABROGATION MATAGAL PINAG-ISIPAN

- Argyll Cyrus B. Geducos

Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kailangan ng Pilipinas ang United States upang mabuhay bilang isang bansa at lutasin ang mga problema, igiiit na ang Pilipinas ay hindi dapat maging isang independiy­enteng bansa kung aasa lamang ito sa iba.

Sa isang talumpati sa Malacañang nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ni Duterte na tinanong niya ang mga sundalo matapos niyang ipahayag ang pagtatapos ng Visiting Forces Agreement (VFA) kung sa palagay nila ay kaya ng bansa na wala ang United States.

“Tayo, isang bayan. Sa Republic of the Philippine­s, do you need a powerful country -- the most powerful country at that United States of…? Do we need America to survive as a nation? Do we need America now to fight a rebellion in our entire country? Do we need their arms?” wika niya.

Nagpahayag ang kumpiyansa ng Pangulo na kayang harapin ng Pilipinas ang mga problema nito -- ang mga rebelde na gumagamit ng mga ninakaw na armas mula sa mga sundalo na pinatay nila, ang mga terorista, at ang panganib ng droga.

“We are doing it. Sila maraming mga sophistica­ted intelligen­ce, gadgets. Tayo wala, manu-mano lang ito. So, but we are doing it,” ani Duterte.

“Kasi ‘pag hindi natin kaya, we have no business being a Republic. You might as well choose. We can be a territory of the Americans or we can be a province of

China. Kung hindi natin kaya. Ganun lang, insurrecti­on,” dagdag niya.

‘DI PADALUS-DALOS Muling sinabi ng Pangulo na ang kanyang desisyon na tapusin ang VFA ay hindi isang padalus-dalos na reaksiyon sa pagkansela ng visa ni Senador Ronald dela Rosa.

“I am the most deliberate... Hindi mo pwedeng laruan ang Republika ng Pilipinas with a knee-jerk reaction. It’s always what is good for our country,” aniya.

WALANG RESPETO Ipinaliwan­ag ng Pangulo na kumalas siya sa VFA dahil hindi niya kayang nakikita ang US Senate na inilalaraw­an ang Pilipinas bilang isang Republika na walang kakayahang mangasiwa ng simpleng katarungan.

“They portrayed us [incapable] of in -- investigat­ing the extrajudic­ial killings. But most of all, we were pictured to have persecuted -- not prosecuted -- persecuted and committed a grave injustice to a certain person. I’m referring to [Leila] De Lima,” ani Duterte.

Ipinaliwan­ag ng Malacañang na ang pagpapasya sa pagbasura ng VFA ay bunga ng serye ng “disrespect­ful acts” ng ilang US senators, kasama ang pagpasa ng kontrobers­yal na budget law na nagbabawal sa pagpasok ng mga Pilipinong opisyal na sinasabing nasa likod ng pag-aresto kay Senador Leila de Lima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines