Jasmine dala ang kanyang karakter hanggang pagtulog

Balita - - Showbiz - Ni NORA V. CALDERON

INI-ENJOY ni Jasmine Curtis

Smith ang pagti-taping niya ng local adaptation ng Korean drama na Descendant­s of the Sun kahit may mga eksenang medyo mahirap gawin at kung saan-saan sila naglulocat­ion. Tulad ngayon na kunwari ay nasa isang kampo sila na infested ng mga rebelde, saan ba ang location nila ng gubat na ginagamit nila?

“Iba-iba pong lugar, sa Batangas, Quezon, na halos umabot na kami sa Baler, Quezon, sa Tanay,” sagot ni Jasmine. “Halos seven months na kaming nagti-taping, at sa ngayon nasa third week pa lamang kaming napapanood gabi-gabi pero nakakatuwa kasi mukhang nami-meet namin ang expectatio­ns ng viewers, like me, playing the role of Captain Moira Defensor, nakakatang­gap kami ng mga positive comments, and thank God, wala pong bashers.”

As Moira, napakatapa­ng niya, hindi ba siya nahihirapa­ng i-portray ang role niya?

“Nakakatawa nga po kasi, nadadala ko yata ang eksena at dialogues ko sa pagtulog ko, napapanagi­nip kong nagsasalit­a ako ng “yes, sir!” “yes, sir!” Pero marami po akong natutunan sa role ko, ang mga sundalo, they respect each other, wala silang ere sa naitutulon­g nila sa kapwa nila, parang iyon po talaga ang dapat asahan mo sa kanila. Kaya po si Moira, she’s tough but soft. Makikita po ninyo ang tunay niyang character.”

Hinihintay na ng mga viewers na maging magkabati na sina Moira at TSgt. Diego Ramos a.k.a. Wolf, played by Rocco Nacino, kailan ba iyon magaganap?

“It’s fun working with Rocco, off-camera, marami kaming napaguusap­an, alam na namin ang likes and dislikes namin, madalas kaming mag-share ng videos. Pero totoo po, marami nang nagtatanon­g, ano raw dapat gawin ni Diego, to make me smile? Siguro po malapit na dahil may mga nai-shoot na kaming scenes, pero hindi po namin pwedeng sabihin, hindi namin alam kung kailan mapapanood iyon.” Kumusta naman sila ni Melissa

Gohing, ang non-showbiz girlfriend ni Rocco?

“Oh, I love Mel, siya pa ang nagpo-post sa social media ng mga eksena namin ni Rocco. At napanood pala niya ang original version ng DOTS, K-drama addict din pala siya.”

In two or three weeks time ay magsisilan­g na ng kanyang baby girl ang Ate Anne ni Jasmine, tuloy ba ang pag-uwi niya sa Australia para makita niya ang magiging little princess ng family nila?

“Yes po, nagpaalam na ako kay Direk Dominic Zapata at sa production na mawawala ako ng ilang araw pero kung kailangan na po ako sa taping babalik agad ako.”

Bukod sa DOTS Ph, may ginagawa rin palang movie si Jasmine with Enchong Dee.

Ang “Descendant­s of the Sun” ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Anak ni Waray vs.

Anak ni Biday.

Jasmine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.