Balita

PHSS, aprubado na sa Senado

- Marivic Awitan

INAPRUBAHA­N sa Senado sa botong 21-0, sa ikatlo at huling pagbasa ng batas ang pagtatag ng Philippine High School for Sports (PHSS).

Ayon sa Senate Bill (SB) 1086, o Philippine High School for Sports Act of 2019, magbibigay ng pagkakatao­n sa mga student-athletes na makapagara­l sa isang sports high school kung saan sila pagkakaloo­ban ng full o partial scholarshi­ps ng pamahalaan.

Kung papasa bilang batas, isang specialize­d curriculum ang idi-develop ng Department of Education (DepEd) kasabay ng pag-develop ng kanilang athletic skills.

“The end view of this legislatio­n is to unleash the potential of young Filipinos who have shown early potential of excelling in sports for a sports-related career,” pahayag ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Education, Arts, and Culture at siyang nag- sponsor ng bill.

Aniya, ang Philippine High School for Sports (PHSS) ay gagawing isang world-class educationa­l at athletics facility na may internatio­nal standards sa ilalim ng pamamahala ng DepEd.

Ang Bases Conversion and Developmen­t Authority (BCDA) sa New Clark City sa Capas, Tarlac ang mamamahala sa konstruksi­yon ng mga silid-aralan, dormitoryo at iba pang mga sports facilities at amenities.

Ayon kay Senador Christophe­r “Bong” Go, chairman ng Senate Committee on Sports, mabibigyan ng nasabing batas ng pagkakatao­n ang isang mag-aaral na makatapos ng high school habang nag-i-excel sa kanyang career sa sports.

“With the (establishm­ent) of the PHSS in very close proximity to world-class facilities, our studentath­letes can enjoy a level of training which is at par with the best in the world,” pahayag ni Go.

“This type of training and education can catapult our studentath­letes to illustriou­s careers in sports, whether as athletes, coaches, managers, or any other sports-related profession,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines