Bastos na manliligaw, kalaboso

Balita - - News - Bella Gamotea

Kalaboso ang isang binata matapos tangkain umanong ipahawak ang kanyang ari sa nililigawa­n niyang dalaga sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Nakakulong sa custodial facility ng Makati City Police at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 11313 (Safe Spaces Act) ang suspek na si Anthony Yape, 23 anyos, at nakatira sa Bagong Silang, Caloocan City.

Itinago naman ang biktima sa pangalang Cristy, 23, accounting assistant, at residente ng Bgy. San isidro, Makati City.

Sa ulat ni S/Sg Emma EbdaneTiem­po ng Women and Children Protection Desk (WCPD), naganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima, dakong 10:30 ng gabi.

Ayon sa reklamo ng biktima, bigla na lamang umanong kinuha ng suspek ang kamay ng dalaga at puwersahan­g pinahahawa­k ang ari nito. Kaagad na pumalag ang dalaga at itinulak ang lalaki. Pinagsisig­awan ng biktima ang suspek hanggang sa umalis.

Kaagd na nagsumbong ang dalaga sa mga Batay Bayan na sina Ryan Damgo at Rey Lasprilla, at ipinaarest­o ang suspek na idiniretso naman sa tanggapan ng Sub-Station 3, bago itinurn-over sa WCPD para sa kaukulang imbestigas­yon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.