₱300,000 ‘shabu’ nasabat sa 2 driver

Balita - - News - Bella Gamotea

Nasabat ng awtoridad ang halos P300,000 halaga ng pinaniniwa­laang shabu sa dalawang lalaki na kabilang sa drugs watchlist ng pulisya sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Pasay City Police chief, Colonel Erickson Dilag ang mga suspek na sina Larry Torcelino, alyas “Larry”, 44-anyos, may asawa, tricycle driver, residente ng Comet Street, Don Carlos Village, Barangay 187, Zone 20 sa nasabing lungsod, at Michael Carreon, alyas “Kekel”, 30, binata, pedicab driver, ng parehong lugar.

Sa ulat ni S/Sg Scott Arcilla, may hawak ng kaso, nagsagawa ng balidasyon ang mga tauhan ng Station Intelligen­ce Section sa pangunguna ni Cpl. Wynne Charles Sy, nang matanggap ang sumbong ng isang concerned citizen kaugnay sa nagaganap na aktibidad ng ilegal na droga sa Comet St. dakong 2:00 ng madaling araw.

Nasamsam sa dalawang suspek ang tatlong pakete ng umano’y shabu, isang nakataling plastic cellophane na may lamang droga na tumitimban­g ng 41.2 gramo at nagkakahal­aga ng P280,000; isang itim na pouch bag, at P200 cash.

Ang mga nakumpiska­ng ebidensiya ay dinala sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis habang iniimbesti­gahan sa tanggapan ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) ang dalawang suspek.

Inihahanda na ng awtoridad ang kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Pasay Prosecutor’s Office laban sa mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.