Caloocan, dinoble ang pondo sa serbisyong pangkalusu­gan

Balita - - News - Orly L. Barcala

Dinoble ng Pamahalaan­g Lungsod ng Caloocan ang pondo at kagamitang medical para sa serbisyong pangkalusu­gan sa taong ito.

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, nagdagdag sila ng mga bagong kagamitan at serbisyo gaya ng CT Sacan Dialysis, Physical Rehab Center, Laparoscop­y at Endoscopy na gagamitin sa Caloocan City Medical Center (CCMC) at Caloocan City North Medical Center (CCNMC).

Kabilang din sa pinondohan ngayong 2020 ang pagsasagaw­a ng iba’t ibang medical services tulad ng cataract removal, cleft/lip palace operation at financial assistance sa HIV patients.

Nag-aasiste rin ang City Health Office ng libreng assistive devices sa 800 person with disability (PWDs), tulad ng prosthetic legs at arms, wheelchair­s, walkers, crutches, canes at strollers.

Ang mga kawani naman ng City Hall ay inoobliga na mag-zumba tuwing Biyernes ng hapon sa Bulwagang Katipunan.

May libreng bakuna at dental check-up din sa senior citizens.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.