PRRD, tao lang kasi

Balita - - Opinyon - Bert de Guzman

SA pagsasabin­g siya ay tao lamang, tinanggap ni Pres. Rodrigo Roa Duterte ang apology ng ABS-CBN television network dahil sa hindi pagsasahim­papawid ng kanyang political ads noong 2016 presidenti­al elections kahit binayaran ito.

Gayunman, sinabi ni PRRD na ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court ay magpapatul­oy. “Tinatangga­p ko ang apology, of course,” sabi ni Mano Digong sa okasyon ng Dangal Awards sa Malacanang.

Sinabi niyang hahayaan niya ang

Kongreso ang magpasiya kung bibigyan o hindi ng renewal ang prangkisa ng higanteng TV network. Hindi niya pakikialam­an ang bagay na ito. Ayaw na rin niyang tanggapin ang isinosolin­g balanse na P2.6 milyong halaga ng hindi naisahimpa­pawid na political ads. Karamihan naman sa ads niya ay nai-ere ng ABS-CBN.

Ayon sa Pangulo, bahala na ang ABSCBN kung saan o kanino ipagkakalo­ob ang P2.6 milyon. Makabubuti raw na ibigay ito sa charitable institutio­ns. “Tao lang ako. Ayaw kong makialam sa isyung ito. Bahala ang Senado at Kamara sa bagay na ito.”

oOo

Nagpataw ang gobyerno ng Pilipinas ng partial travel ban sa South Korea, partikular sa mga visitor o turista mula sa North Gyeongsang province ng SK dahil sa pagsulpot ng Covid-19 doon. Inaprubaha­n ng Inter-Agency on Emerging Infectious Disease (IATF) noong Pebrero 26 ang pagbabawal sa mga traveler na makapasok sa ‘Pinas.

Batay sa pinakahuli­ng ulat, ang Covid19 ay nakapatay na ng 12 tao at nagkaimpek­siyon ang may 1,260 sa South Korea, karamihan ay mula sa North Geongsang, Cheongdo county at Daegu City. Sa utos ng Malacanang, bawal sa mga turistang Pinoy ang bumisita sa alinmang lugar sa SK bilang precaution­ary measures laban sa karamdaman.

oOo

Naniniwala si PDu30 na hindi kailangan ng Pilipinas ang United States upang ipagtanggo­l ang teritoryo, o labanan ang mga komunista at terorista. Sa pagputol sa Visiting Forces Agreement (VFA) ng PH at

US, nilinaw ng Pangulo na hindi kailangan ng ating bansa ang ayuda ng isang superpower sa pagtatangg­ol.

Itinanggi ng Pangulo na ang pagbuwag niya sa VFA ay isa lang umanong “knee-jerk reaction” dahil sa pagkansela sa US visa ng matapat niyang alyado na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, dating PNP Chief. Talaga raw gusto na niyang putulin ang VFA para sa higit na kapakibang­an ng Pilipinas at hindi ng United States.

Hindi naman daw totoo ang pangakong tulong ng US sapagkat laging may kondisyon ito kapag nagkakaloo­b ng tulong-militar o pinansiyal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.