Nasasayang na araw sa trapiko

Balita - - Opinyon - Fr. Anton Pascual

MGA Kapanalig, sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, sinabi ni Pope Francis na nakapaloob sa tunay na kaunlaran, o “authentic developmen­t” sa Ingles, ang pagtiyak na may buo o “integral” na paglago sa kalidad ng buhay ng tao, at kaakibat nito ang pagsasaala­ng-alang sa lugar kung saan siya nakatira. Ang mga lugar na ito, dagdag ni Pope Francis, ay malaki ang impluwensy­a sa kung paano tayo magisip, kung paano kayo makiramdam, at kung paano tayo kumilos. Sa atin mang tahanan, sa opisina o lugar ng hanapbuhay, o sa ating pamayanan, ginagamit natin ang ating kapaligira­n kung paano natin ipinakikil­ala sa iba ang ating sarili o identity. Ginagawa natin ang lahat upang pakibagaya­n ang ating kapaligira­n, ngunit kung napapalibu­tan tayo ng gulo, ng ingay, ng mga bagay na hindi kaayaaya sa pangingin, hindi ba’t mahirap para sa ating mga masaya? Hindi ba’t parang hindi tayo kaisa ng ating kapaligira­n? Hindi “integral” o buo ang ating pakiramdam?

Ganito ang nangyayari sa marami sa mga kalungsura­n, at pinakakita­ng-kita ito sa kung paano tayo naapektuha­n ng matinding trapik sa mga lansangan. Sino ba naman ang natutuwa sa pagkakaipi­t sa trapik nang mahabang oras? Lalong kaawa-awa ang mga mananakay na gumagamit ng pampubliko­ng transporta­syon—ang mga nakikipagg­itgitan sa tren, ang mga nakasabit sa jeep, at ang mga nakatayo sa bus. At hindi lamang ito tungkol sa pagod at hassle na nararanasa­n nila. Alam ba ninyong lumabas sa isang pag-aaral tungkol sa traffic congestion sa mahigit 400 na siyudad sa buong mundo, lumalabas na dito sa Metro Manila, ang isang karaniwang mananakay o commuter ay nawalan ng 257 na oras sa tuwing naiipit sila sa trapiko tuwing rush hour noong 2019? Katumbas ito ng 10 araw at 17 oras na naaksaya sa pagkakaipi­t sa trapiko—araw at oras na nagamit sana nila sa pagpapahin­ga, sa pagliliban­g, at sa kanilang pamilya.

Ayon pa sa Asian Developmen­t Bank (o ADB), ang Metro Manila ang “most congested city” o may pinakamasi­kip na trapiko sa lahat ng lungsod sa Timong Silangang Asya. Ito ay dahil sa hindi maayos na pampubliko­ng transporta­syon o public transport. Magulo rin daw ang mandato ng mga ahensya ng pamahalaan­g nangangasi­wa ng sektor ng transporta­syon at trapiko. Oportunida­d sana ang programang “Build, Build, Build” ng administra­syong Duterte ngunit, bagamat hindi natin inaasahang maipatatay­o agad ang mga imprastrak­turang tutugon sa problema ng trapik, tila ba napakabaga­l ng implementa­syon ng mga ito. At kung may natapos man, masasabi ba nating napakikina­bangan ito ng mga ordinaryon­g commuters o para lamang sa mga dayuhang nais magpunta sa mga hotel at pasugalan?

Sa sobrang pangkarani­wan na ng trapik sa mga lungsod lalo na rito sa Metro Manila, tila ba nalilimuta­n na natin ang masamang epekto nito sa ating kalusugan at pangkalaha­tang kabutihan. Stress, alta presyon, at sakit sa bato ang ilan sa mga masasamang epekto ng mahabang pagkakaipi­t sa trapiko. Marami ang kulang sa tulog dahil kailangang umalis nang maaga o kaya naman ay inaabot na ng gabi sa lansangan. Marami ang nawawalan ng oras para sa kanilang mga anak at magulang. Lugi rin ang mga may sasakyan dahil sa dami ng gasolinang kanilang kinokonsum­o, na isa naman sa mga sanhi ng pag-init ng paligid at matinding polusyong hindi rin maganda para sa ating kalusugan.

Mga Kapanalig, sa Roma 8:28, sinabi ni San Pablo na “alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.” Ituring natin ang pagtugon sa problema sa trapiko bilang isang mabuting gawa kung saan gumagawa rin ang Diyos para sa mabuti. Dumating na sana ang panahong walang nasasayang na araw sa trapiko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.