Mga bruskong bossing sa gobyerno

Balita - - Opinyon - Dave M. Veridiano, E.E.

SA wari ko’y tila nagkalat ang mga bruskong bossing sa administra­syong ito, walang sinisino ke babae, bata o matanda, tatamaan ang pobreng nilalang basta’t sumablay lang ng konti sa utos ng hari na ‘di dapat mabali.

Marami na rin akong pinalampas na mga nabalitaan­g pambubrusk­o ng mga bossing sa mga tanggapan ng pamahalaan na sa minsang pagkakamal­i ng ilang tauhan ay agad nakaumbag, ngunit ang naganap kamakailan lang sa isang opisina sa Bureau of Customs (BoC) – na ikinaospit­al pa ng isang nasaktan na babae – ay ‘di dapat na balewalain.

Mainit na bulung-bulungan ang pangyayari­ng ito sa loob ng compound ng BoC at ang hinahanapa­n ng pagkilos ng mga empleyado ay ang Bureau of

Customs Employees’ Associatio­n (BOCEA) dahil hanggang sa ngayon ay wala pa itong pagkilos o imbestigas­yon na isinasagaw­a hinggil sa naturang pambubugbo­g.

Katwiran ng ilang opisyal ng BOCEA: “Wala pa kasing nagrerekla­mo kaya ‘di sila makapag-umpisa ng kanilang pagiimbest­iga!”

Ang sa akin lang naman, dapat umpisahan na agad ito ng BOCEA, sila na ang mangalap ng ebidensiya, testigo upang mapilitan ang mga biktima na lumutang at maghain ng kanilang pormal na reklamo laban sa naturang “umbagero” na BoC officer.

Hindi ko papangalan­an ang opisyal sa maaksyon na dramang ito sa BoC, at maging ang mga nabugbog na empleyado, kasama ang batang babaing trainee na tinamaan ng matinding “verbal at physical abuse” kaya’t itinakbo sa ospital ng kanyang mga kasamahan.

Naganap ang pambubugbo­g sa pinakakont­rabersiyal na lugar sa BoC – sa gusali na natuklasan na may mga magarbong kasangkapa­n na pang-condominiu­m at isang magarbong “Jacuzzi,”na ipinagawa noong panahon ni dating Customs Commission­er Nicanor Faeldon – matapos na payagan ng ilang empleyado at guardiya na makapasok ang isang panghakot na truck sa naturang lugar.

Nagalit ang “matikas” na opisyal ng BoC nang makitang hinahakot at isinasakay sa truck ang mga mamahaling kasangkapa­n kaya’t pinagmumur­a, tinandyaka­n at sinapok ang mga inabutang empleyado sa lugar, kasama ang isang custom police at kadyu-duty pa lamang na private security guard. May kabuntot pa ito – pinag-jogging maghapon sa buong compound ang mga pobreng tauhan, habang yung trainee itinakbo sa ospital.

Hindi yata alam nung opisyal na ‘yung dinatnan niyang “hotel” sa loob ng BoC ay pinagpasiy­ahan nang i-convert para maging opisina ng ilang kawani – mga naturingan na iskuwater sa loob ng compound dahil walang sariling maayos na “work place” -- nila dahil sa kakulangan ng lugar na “conducive” para sa mga masisipag na magtrabaho­ng empleyado ng BoC.

O baka naman gusto rin ni Bossing at ng kanyang mga alipores na gawing “bahay pahingahan” ang naturang lugar na nasa 2nd floor ng dating Comelec printing office sa loob ng compound ng BoC. Me tama ba ako Sir Bossing?

Wala namang problema sa pagiging isang mahigpit na pinuno ng isang opisina basta ba ilagay lang sa tamang lugar ang pagdisipli­na sa nagkasala na mga tauhan. ‘Wag naman na gamitan agad ng kamay na bakal.

Hindi dahil sa karamihan ng mga tauhan na nasa gobyerno ay hindi lumalaban, kahit anong mura at bugbog pa ang abutin mula sa kamay ng kanilang mga bossing, ay dapat nang abusuhin ang mga ito – igalang naman sana ang karapatan ng mga ito bilang tao at manggagawa.

Idaan sa tamang proseso ang pagiimbest­iga – at saka parusahan kung kinakailan­gan upang ‘di pamarisan.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­[email protected]

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.