Raquel Pempengco, nagbigay ng opinyon sa Sarah-Matteo wedding issue

Balita - - Showbiz - Ni ADOR V. SALUTA

MAGING si Raquel Pempengco na ina Jake Zyrus (Dating Charice Pempengco) ay nagbahagi ng kanyang opinyon sa kontrobers­iyang kinasasang­kutan ng bagong kasal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa inang si Divine Geronimo, matapos mabalita ang pangge-gatecrash nito sa kasal ng anak.

Para kay Raquel, bagamat masaya siya para kay Sarah, dahil nahanap nito ang tunay na pag-ibig kay Matteo, nauunawaan rin niya si Mommy Divine bilang ina.

“Happy ako kasi nahanap na ni Sarah G ang hapiness niya, ‘yun naman ang importante.”

“In a way, napakalaki­ng sakripisyo niya na sa pamilya niya - ang nakatulong ng 15 years...” ‘Yunngalang­daw,masakitpar­asakanya at kay mommy Divine na pinaglihim­an siya sa mismong kasal ng anak?

“Pero bilang ina napakasaki­t ang pinagwalan­g bahala ka ng isang anak,” post ni Raquel sa kanyang Facebook page.

Sa opinyon ni Raquel, malaking bagay na ipinaalam sana nina Sarah sa kanyang mga magulang ang tungkol sa kasal nito.

“Sana sinabi na lang ni Sarah in a nice way na nasa tamang edad na po ako...kahit sa gusto o ayaw nio nagpapaala­m lang ako bilang respeto. Ramdam ko ang sakit na nararamdam­an ngayon ni Mommy Divine .... Bilang isang ‘anak’ nagrebelde din ako. Bilang isang ‘ina nasasaktan din ako,” pahayag ni Raquel. Matatandaa­n dumaan din sa matinding pagsubok si Raquel para sa kanyang anak na si Charice Pempengco, ngayon ay isa nang transgende­r man na si Jake Zyrus.

Inaming walang komunikasy­on sa anak, positibo si Raquel na ibibigay ang blessings sa anak sakaling magpakasal ito.

Matteo at Sarah

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.