Yorme at Ed Caluag, magsasanib-puwersa

Balita - - Showbiz -

MATINDING sanib-puwersa ang magaganap sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa pagsasama nina Yorme at Ed Caluag!

Lilibutin nina Manila City Mayor Isko Moreno at paranormal investigat­or Ed Caluag ang iba’t ibang tourist spots sa Maynila na may malagim na nakaraan.

Ano kaya ang makikita nila sa bagong bukas na dungeon sa Fort Santiago kung saan 600 na labi ang natagpuan matapos ang World War II? Totoo bang may mga nagpaparam­dam sa Jones Bridge? At sa pagtapak nila sa makasaysay­ang Manila City Hall, anong kilabot ang naghihinta­y sa kanila? Handa na nga ba ang lungsod ng Maynila sa dark tourism?

Bibisita rin ang KMJS sa Atok, Benguet matapos itong muling buksan sa publiko ngayong linggo. Alamin din kuwento ng babae mula sa Cuyo, Palawan na mula nang lumuha ng dugo ay nakikita na rin daw ang hinaharap.

Samantala, alamin kung ano ang nangyari sa isa sa anak na kambal ni Nanay Ethel na hindi umano sa kanya ibinigay ng doktor. Mahanap kaya nila ang anak na ito?

Mapapanood ang lahat ng ito mamayang gabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo ng gabi, pagkatapos ng Centerstag­e.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.