Sequel ng ‘Train to Busan’ may first official poster na

Balita - - Showbiz - Ni RICHA NORIEGA

INILABAS na ng highly anticipate­d zombie horror film na Peninsula, ang sequel ng Train to Busan, ang kanilang unang official posters nitong Biyernes.

Through Facebook, ibinahagi ng Cinema Bravo, isang onestop hub for movie reviews para sa mga bagong pelikula sa bansa, ang dalawang posters ng highly anticipate­d thriller film tampok ang mga karate sa kawalang-katiyakang sitwasyon.

Makikita sa unang poster ang isang tao na naglalakad sa isang abandunado­ng pantalan sa gitna ng dilim, na may mga zombie sa bawat sulok.

Samantala, tampok naman sa ikalawang poster ang “mass of charging zombies as characters, Jung Suk (Kang Dong Won) and Min Jung (Lee Jung Hyun) wait for them at the back of an abandoned vehicle.”

Ayon sa Entertainm­ent website na Soompi, ang “Peninsula” ay isang action blockbuste­r tampok ang kuwento ng mga survivor sa Korea, apat na taon matapos ang naganap sa Train to Busan.

Nagbabalik bilang director ng pelikula si Yeon Sang Ho kasama ang mga cast members Kang Dong Won, Lee Jung Hyun, Kwon Hae Hyo, Kim Min Jae, Go Kyo Hwan, Kim Do Yoon, Lee Re, at Lee Ye Won.

Ngayong 2020 nakatakdan­g ipalabas ang “Peninsula” sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.