PCA chess tilt sa Kiddies

Balita - - Sports -

TULOY ang pinaka-aabangan na ika-36 na edisyon ng PCAParañaq­ue Chess Associatio­n Non-Master 1950 and Kiddies U-14 1900 Rapid Chess Tournament na susulong sa Marso 22 sa SM City Bicutan Building B, Parañaque City.

Bukas ang torneo sa lahat ng non-master chess player na hindi lalagpas sa 1950 ang kanilang rating. Ipapatupad ang 6-7 rounds Swiss System sa Non-Master 1950 and below category habang isasagawa naman ang 5 rounds Swiss format sa Kiddies U-14 1900 and below class kung saan ang rate of play ay 20 mins + 5 sec. delay mode.

Ang Major Awardees ay hindi entitled na makakuha ng category prizes kung saan ang top 5 Elementary,

High School & Senior (18 years old & Above) ay qualify bilang finalist sa CEFAG-Chess Education for AgeGroup Finals 2020 Elementary, High Schoolat Senior Chess Championsh­ip kung saan ay guaranteed ang prizes at no pooling of prizes.

Maibubulsa ng Non-Master 1950 and below champion ang P4,000 plus trophy habang maiuuwi naman ng Kiddies U-14 1900 and below winner ang P1,500 plus trophy.

"Play, Improve and Enjoy," sambit ni PCA top honcho Dr. Bong Perez.

Sa interesado­ng lumahok, makipag-ugnayan kina Dr. Bong Perez, Jerald Marinas (0926-0516238), CAUP Mario Perez (0926-9994939) at NA Boyet Tardecilla (0917143599­9) para sa kumpletong detalye

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.