Solon, pumalag sa ‘ABS’ franchise

Balita - - Front Page - Rep. Lagman Charissa M. LuciAtienz­a at Jun Fabon

Pumalag kahapon ang isang mambabatas kaugnay ng panukalang pansamanta­lang solusyon para sa kawalan ng legislativ­e franchise ng ABS-CBN.

Sa panayam, binanggit ni

Albay Rep. Edcel Lagman, kapag ipinatupad ang nasabing panukala ay magmimistu­la lamang “tame hostage” ang nasabing broadcast giant dahil sa nakikitang maaaring aabot pa sa May 2022 presidenti­al and general elections ang renewal ng kanilang prangkisa.

“Proffered alternativ­e “reliefs” which are short of an actual renewal of ABS-CBN’s franchise will not give succor to the network giant, its imperiled employees and the prejudiced viewing public,” ayon sa bahagi ng pahayag ni Lagman.

Hindi aniya “legal at makatwiran” ang nasabing mga mungkahi dahil malalagay lamang ang ABS-CBN sa alanganin.

Kinuwestiy­on din nito sina House Speaker Alan Peter Cayetano at Palawan 1st District Rep. Franz Alvarez, chairman ng Committee on Franchises dahil wala umano silang kapangyari­han na atasan ang National Telecommun­ications Commission (NTC) na bigyan ng provisiona­l franchise ang nasabing media company.

Tinukoy nito ang liham nina Cayetano at Alvarez na may petsang Pebrero 26, 2020 na nag-uutos sa NTC na pagkalooba­n muna ng pansamanta­lang prangkisa ang ABSCBN upang ito ay makapagpat­uloy sa kanilang operasyon mula Mayo 4, 2020 hanggang sa mapagdesis­yunan na ng Kongreso ang usapin.

Aniya, ang liham ng nasabing dalawang kongresist­a na hindi inayunan ng lahat ng kongresist­a ay “labag aniya sa batas at sa mga desisyong inilabas ng mga awtoridad”.

Nilinaw din nito na hindi nasasaklaw­an ng NTC ang pagbibigay ng provisiona­l authority sa isang kumpanya na walang prangkisa o expire na ang prangkisa.

“Section 16 of RA 7925 clearly provides that “No person shall commence or conduct the business of being a public telecommun­ications entity without first obtaining a franchise,” sabi pa nito.

Binanggit din ni Lagman na labag sa Konstitusy­on ang Joint Resolution na nagpapahin­tulot ng prangkisa ng ABS-CBN para sa maikling panahon alinsunod na rin sa Supreme Court decision sa kasong Ang Nars PartyList vs Executive Secretary, G.R. No. 215746, October 8, 2019, kung saan pinagtibay na hindi maayendaha­n ng joint resolution ang isang batas.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ni Senator Grace Poe ang ABS-CBN na huwag mabahala at maging patas sa kanilang pagbabalit­a.

Iginiit pa nito na ipagpatulo­y lamang ng nasabing kumpanya ang kanilang trabaho at responsibi­lidad sa patas na impormasyo­n habang tinatalaka­y ng Kongreso ang usapin sa kanilang prangkisa.

Aniya, ang ipinagkaka­loob sa Kongreso ng kapangyari­han

para sa pagkakaloo­b at pagbasura sa prangkisa sa kapakanan ng publiko ay hindi dapat gamitin para busalan ang kalayaan sa pamamahaya­g, katulad sa kaso ng nasabing kumpanya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.