‘Gadget, iwasan sa Kuwaresma’

Balita - - Front Page -

HINIKAYAT ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP) nitong Sabado ang mga mananampal­ataya na bawasan ang paggamit ng gadgets at magbigay-oras sa tunay na diwa ng panahon ng Kuwaresma.

“We have to go back to the basics of reflection and prayer which is, una (first), silence; if we have cellphones or anything that distracted by other things we will never get that silence necessary for us to be able to listen to God,” pahayag ni Boac Bishop Marcelino Maralit Jr., chairperso­n ng CBCP-Episcopal Commission on Social Communicat­ion, sa isang panayam sa Church-run Radio Veritas.

Bagamat wala naman aniyang mali sa paggamit ng gadgets, sinabi ni Maralit na dapat na maging maingat ang lahat para sa negatibong epekto ng paggamit nito.

“The problem is (gadgets are) contaminat­ed and this world, right now, marami nang laman (na fake news ang) ating mga cellphone and gadgets (our cellphones and gadgets are filled with fake news),” dagdag pa ni Maralit.

Samantala, hinikayat naman niya ang mga mananampal­ataya na magbasa ng Bibliya.

“I would like to invite everybody during especially this Lenten season the ability to put aside your phones for at least two hours a day; pray, read the bible, read spiritual books, pray the rosary, do something different this Lenten season and I assure you it will change you a lot,” aniya.

Nagsimula na ang panahon ng Kuwaresma nitong Ash Wednesday (February 26), kung saan hinikayat ni Pope Francis ang mga Katoliko na iwasan ang trolling at pagpapakal­at ng maling mensahe sa social media bilang bahagi ng paggunita sa panahong ito.

Base sa ulat ng Global Web Index, nangunguna ang Pilipinas sa mga bansa kung saan madalas gamitin ang social media, na may 72 porsiyento o 71 milyong Pilipino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.