Police ‘asset’ utas sa ambush

Balita - - Front Page - Danny Estacio

CANDELARIA, Quezon – Patay ang isang police ‘asset’ at babaing kasamahan nito nang ratratin ng isang hindi nakikilala­ng lalaki habang sila ay naglalakad sa Sitio Baloyboy, Barangay Masin Sur, Candelaria ng nabanggit na lalawigan, nitong Sabado ng gabi.

Ang dalawa ay kinilala ng mga awtoridad na sina John Rod Francia Maghirang, alyas ‘Faye’, 29, taga-De Ramos Street, Bgy. Poblacion, at Lorelee Mapoy

Santiago, 38, taga-Sitio Baloyboy, ng nasabing bayan.

Sa report, nagsisilbi­ng police asset si Maghirang kaugnay ng anti-iilegal drugs drive ng Candelaria Municipal Police Station.

Sinabi ng pulisya, pauwi na sana ang dalawa at naglalakad sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabar­il ang dalawa, dakong 8:30 ng gabi.

Dead on the spot ang dalawa dahil sa tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kaagad namang tumakas ang suspek patungo sa hindi mabatid na direksyon, dala ang ginamit sa pamamaslan­g.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang walong basyo ng cal. 9mm pistol.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakil­anlan ng suspek at ang motibo nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.