Senior citizens’ pension, planong itaas

Balita - - News - Bert de Guzman

May magandang balita ang House Special Committee on Senior Citizens na pinamumunu­an ni Rep. Francisco Datol, Jr. (Party-list, Senior Citizens).

Pinag-aaralan ng isang technical working group (TWG) ng komite ang substitute bill para sa 26 panukalang batas na naglalayon­g itaas ang pensiyon (social pension) ng mga nakatatand­a o senior citizens.

Ito ay itinatakda sa ilalim ng R.A. 7432 na sinusugan ng R.A. 9994 (Expanded Senior Citizens Act of 2010.) Ang TWG ay pamumunuan ni Rep. Ron Salo (Party-list, KABAYAN).

Binanggit ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang Section 4, Article 15 ng 1987 Constituti­on, na nagsasaad na may tungkulin ang pamilya na pangalagaa­n ang nakatatand­ang kamag-anak.

Gayundin, makatutulo­ng ang Estado o gobyerno sa pamamagita­n ng kanais-nais na mga programa ng social security.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.