Ginang, arestado sa halos R70-K droga

Balita - - News - Bella Gamotea

Arestado ang isang ginang dahil sa pagdadala ng pinaniniwa­laang shabu na nagkakahal­aga ng halos P70,000 sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Taguig City Police chief, Colonel Celso Rodriguez, ang suspek na si Jamaika Muhamad, 43, may asawa, at residente sa Road 7 Purok 2, Barangay New Lower Bicutan sa nasabing lungsod.

Sa ulat, nadakip ng mga operatiba ng

Mobile Patro Unit (MPU) ang naturang ginang sa Road 7, Maguindana­o St., Purok 2, Bgy. New Lower Bicutan sa Taguig City, dakong 9:00 ng gabi.

Ayon sa imbestigas­yon, nagpapatru­lya sina Cpl Albert Buban at Cpl Roel Dela Rosa sa lugar nang matiyempuh­an umano ang babaeng suspek sa kahina-hinalang ikinilos nito sa lugar.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang pirasong pakete ng umano’y shabu na 10gramo at nagkakahal­aga ng P68,000 na sanhi ng kanyang agarang pagkaarest­o.

Itinurn-over ang mga narekober na ebidensiya sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Nakakulong ang ginang sa custodial facility ng pulisya at sasampahan ng Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Taguig Prosecutor’s Office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.