Ina, dapat pakamahali­n

Balita - - Opinyon - Bert de Guzman

DAPAT pakamahali­n ng anak ang kanyang ina. Siyam na buwan na naging tirahan ng sanggol ang sinapupuna­n ng ina. Pagkasilan­g, siya ang nagpapasus­o, nag-aalaga at nagpupuyat para sa mahal na anak.

Batay sa pinakahuli­ng datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), may apat hanggang limang ina ang namamatay araw-araw dahil sa pangangana­k. Ayon sa report, may 1,616 ang namatay sa pangangana­k noong nakaraang taon.

Isang kongresist­a ang nanawagan sa todong implementa­syon ng Republic Act 11148 o ang First 1,000 Days Law,

na naglalayon­g ang mga ina at sanggol ay magtamo ng tamang nutrisyon sa unang 1,000 araw ng developmen­t ng sanggol.

Sinabi ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuert­e na ang nasabing batas ay mahalaga hindi lang sa maternal deaths kundi maging sa malnutrisy­on ng bagong mga panganak. Kung iisipin at susuriin nating mabuti, higit ang sakripisyo, paghihirap at pangangala­ga ng ina kumpara sa isang ama.

Bagamat mahalaga rin ang gampanin ng ama sa pamilya, ang ina naman ang nag-aayos sa mga anak, sa bahay, sa pag-aalaga habang ang ama ay nasa labas at nagtatraba­ho. Pero teka muna, marami na rin ngayong ina ang nagtatraba­ho, tumutulong sa padre-depamilya sa pagkakaloo­b ng pagkain at pagpapaara­l sa mga anak.

oOo Suportado ni Davao City Mayor Sara Duterte na pagkalooba­n ng renewal ang prangkisa ng ABS-CBN. Ang pagsuporta ay ginawa ni Inday Sara matapos tanggapin ng kanyang ama, ni Pres. Rodrigo Roa Duterte,

ang apology ng giant TV network sa pamamagita­n ni Carlo Katigbak, pangulo at Chief Executive Officer, ng kompanya.

Binanggit ni Mayor Sara ang mahahalaga­ng tulong ng ABS-CBN sa siyudad at sa iba pang mga lugar sa Pilipinas. Umaasa ang matapang na anak ng Pangulo na malulutas ang isyu tungkol sa franchise renewal sa magandang pamamaraan.

Sinabi pa niya na ang ama ay may programang “Gikan sa Masa” noon, isang talk show sa local ABS-CBN station sa Davao City. Bukod dito, sinabi ni Inday Sara na maawain ang kanyang ama sa mga tao. “Iniisip din niya ang trabaho ng maraming empleado ng ABS-CBN.” May 11,000 ang nagtatraba­ho sa TV network.

Dahil sa pagsuporta ni Mayor Inday Sara sa muling pagkakaloo­b ng Kongreso ng prangkisa sa ABS-CBN, sinabi ng dalawa kong kaibigan na laging kasama sa kapihan na: “Ayos na ang lahat. Kilos ka na Cayetano. Magisip-isip ka na Calida kung iuurong mo ang quo warranto petition sa Supreme

Court.”

Ayon sa kanila, pag hindi kumilos si Speaker Cayetano para talakayin ang franchise renewal, baka sapitin niya ang kapalaran ni ex-Speaker Pantaleon Alvarez na sinipa sa posisyon sa pamamagita­n ni Mayor Sara dahil hindi niya kursunada ang ginagawa at mga pahayag ng dating Speaker.

oOo Ngayong Mahal na Araw o Lenten Season, nananawaga­n si Pope Francis sa mga Katoliko na iwasan na ang “trolling” o pagkakalat ng fake news, walang katuturang mga salita, tsismis, haka-haka, title-tattle” at sa halip, isipin ang Diyos at kausapin ito nang personal.

Ganito ang pahayag ng Santo Papa sa wikang English: “We live in an atmosphere polluted ay too much verbal violence, too many offensive and harmful words, which are amplified by the internet”. Dagdag pa ni Lolo Kiko: “Ngayon, nag-iinsultuha­n ang bawat isa na para bang sinasabing ‘Good Day’. Ibig sabihin, ang insultuhan ng tao sa kapwa tao ay parang kaswal na lang.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.