Iranian director, wagi ng top prize sa Berlin festival

Balita - - Showbiz - Prince Harry at Jon Bon Jovi

FRANKFURT, Germany (AP) —Wagi ang pelikula ni Iranian director Mohammad Rasoulof na There Is No Evil sa Golden Bear prize nitong Sabado para sa best picture sa Berlin Film Festival. Hindi naman nakadalo sa pagdiriwan­g si Rasoulof para tanggapin ang award dahil sa travel ban na ipinatupad ng Iranian authoritie­s.

Patungkol ang kuwento ng There Is No Evil sa apat na kuwento na magkakakon­ekta sa pagpapatup­ad ng death penalty sa Iran at ang paghahanap ng personal freedom sa ilalim ng diktador.

Napili ng Berlin festival jury sa pangunguna ni actor Jeremy Irons, ang There Is No Evil sa 17 entry na naglaban-laban para sa prize, kabilang ang Sally Potter’s The Road Not Taken, remake ng

Berlin Alexanderp­latz, at Siberia, na pinagbibid­ahan nina Willem Dafoe at Dounia Sichov.

Pinili naman ng mga organizer na mag-iwan ng isang upuan na nakapangal­an para kay Rasoulof sa news conference para sa kanyang entry. Sa ulat ng Germany dpa news agency, ang anak ni Rasoulof, na si Baran, ang tumanggap ng Golden Bear bilang kinatawan ng kanyang ama.

Samantala, nakuha naman ni Paul Beer ang Silver Bear para sa best actress sa kanyang pagganap sa Undine at ang Silver Bear para sa best actor ay nakuha ni Elio Germano para sa kanyang role sa Hidden Away. Iginawad naman ang Best screenplay sa D’Innocenzo brothers, Damiano at Fabio, para sa Bad Tales.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.