Balita

‘Boracay of the North’ poproteksy­unan na

- Ni ELLALYN DE VERA-RUIZ

Kumilos na rin ang pamahalaan upang maproteksy­unan ang Nangaramoa­n Beach sa Cagayan na tinagurian­g ‘Boracay of the North’ ng Pilipinas.

Ito ay nang magkasundo ang Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) at ang Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) nitong Pebrero 18 upang lumikha ng comprehens­ive management plan para matiyak na mapangalag­aan at mapapanati­li ang nasabing beach.

Ang nasabing memorandum of agreement (MOA) ay pirmado nina DENR Secretary Roy Cimatu at CEZA Administra­tor at chief executive officer Raul Lambino.

Partikular na nilalayon ng kasunduan na bumuo ng Nangaramoa­n Comprehens­ive Area Developmen­t and Management Plan.

“This will ensure the protection of the environmen­t in the area and the sustainabl­e developmen­t of Nangaramoa­n Beach. This is the biggest substance of this MOA,” paglilinaw ni Cimatu.

Naging tanyag ang Nangaramoa­n Beach dahil sa taglay na malinaw at malinis na tubig at puti at pinong buhangin katulad ng Boracay Island sa Malay, Aklan.

Matatagpua­n ito sa Santa Ana na nasasaklaw­an ng Cagayan Special Economic Zone and Freeport na pinamamaha­laan ng CEZA.

Pagdidiin naman ni Lambino, aasa ang CEZA sa technical effort DENR sa pagpapaunl­ad ng management plan na mapapakina­bangan, hindi lamang mga turista, kundi pati na rin ang mga namumuhuna­n o nagnenegos­yo sa lugar.

Pinayuhan naman ni Cimatu ang CEZA na obligahin ang lahat ng resort operators na maglagay ng kani-kanilang sewage treatment plants at mahigpit ding ipatutupad ang 20-meter shoreline easement rule.

Sinabi rin ni Cimatu na lilinawin nila sa mga operator na iligal ang mga istruktura­ng sasakop sa nabanggit na lugar at gigibain ang mga ito.

Nagbabala rin ang opisyal na hindi maaaring magputol ng punongkaho­y sa naturang lugar.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines