Suns, ‘di pinasikat ng Warriors

Balita - - Sports -

PHOENIX (AP) — Hataw si Eric Paschall sa naiskor na 25 puntos, habang kumana si Damion Lee ng 20 puntos para sandigan ang Golden State Warriors sa 115-99 panalo kontra Phoenix Suns nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Naghabol ang Golden State sa kabuuan ng laro, bago sumalakay sa 16-0 run sa huling limang minuto ng third period para makuha ang 92-81 bentahe sa unang bahagi ng final period.

Pitong Warriors ang umiskor ng double digits, kabilang si Andrew Wiggins na may 17 puntos, pitong rebounds at limang assists.

Kumubra si Mychal Mulder, naglaro sa ikalawang pagkakatao­n sa NBA ng 14 puntos at anim na rebounds, habang nagambag ang dating Suns player Dragan Bender ng season-high 13 puntos at walong rebounds.

Nanguna sa Suns si Devin Booker na may 21 puntos, habang umiskor si Deandre Ayton ng 20 puntos at siyam na rebounds.

ROCKETS 111, CELTICS 110

Sa Boston, nagsalansa­n si Russell Westbrook ng 41 puntos, habang tumipa si James Harden ng 21 puntos, tampoka ng dalawang free trow sa huling 25 segundo ng overtrime para sandigan ang Houston Rockets kontra Boston Celtics.

Nagawang maipuwersa ng Boston ang extra period nang maisalpak ni Jaylen Brown ang three-pointer sa buzzer. Naunang nakaiskor ang Celtics sa overtime,subalit bokya sa huling 2:49 ng laro.

Nanguna si Jayson Tatum sa Boston na may 32 puntos at 13 rebounds, habang kuman si Marcus Smart ng 26 puntos at tumipa si Brown ng 22 puntos.

Nanguna si Daniel Theis sa Boston na may 15 rebounds para sa Boston.

SPURS 114, MAGIC 113

Sa San Antonio, naisalba ng Spurs ang malamyang simula sa determinad­ong pagbalikwa­s sa final period kontra Orlando Magic.

Ratsada si Trey Lyles na may 20 puntos sa San Antonio Spurs.

Umabante ang San Antonio sa final period para tuldukan ang two-game skid.

HEAT 116, NETS 113

Sa Miami, hataw si Kendrick Nunn sa naiskor na 21 puntos para sabayan ang Miami Heat laban sa Brooklyn Nets.

Nag-ambag si Goran Dragic ng 19 puntos mula sa bench, habang tumipa si Bam Adebayo ng 16 puntos at 12 rebounds para sa Heat, nagwagi ng back-to-back sa unang pagkakatao­n.

Kumabig si Spencer Dinwiddie sa naiskor na 25 puntos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.