Balita

7 sa OFWs galing cruise ship, nahawaan?

- Mary Ann Santiago at Rizaldy Comanda

Umakyat na sa pito ang bilang ng mga Pinoy na inilikas mula sa COVID19-hit cruise ship na MV Diamond Princess, na nakitaan ng mga sintomas ng respirator­y illness.

“Nagkaroon na po tayo ng karagdagan­g repatriate­s na nagkaroon ng sintomas. Ang total na repatriate­s (na may symptoms) ay seven,” ito ang kinumpirma kahapon ni Department of Health (DOH) Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, sa panayam sa radyo.

Ayon kay Vergeire, lumabas naman na ang resulta ng pagsusuri sa apat sa kanila, na pawang nagnegatib­o sa coronaviru­s 2019 (COVID-19) habang hinihintay pa ang test results ng tatlong iba pa.

“Ang total po ng repatriate­s 7; 4 ang negatibo na resulta, mayroon pa po tayong hinihintay na 3,” aniya pa.

Inaasahan naman aniyang mailalabas na rin ang resulta ng pagsusurin­g isinagawa sa mga ito ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) hanggang ngayong Linggo.

Aniya, anim sa 445 repatriate­s, na kasalukuya­ng naka-quarantine sa New Clark City sa Capas, Tarlac, ay nagkaroon ng sore throat habang isa ang nagkaroon ng ubo, na kabilang sa sintomas ng COVID-19, kaya’t minabuti ng DOH na dalhin sila at suriin sa referral hospitals sa Central Luzon.

Kahit naman nagnegatib­o sa virus ay nananatili­ng naka-confine sa referral hospitals ang mga ito hanggang sa tuluyang gumaling.

Kinakailan­gan din umano nilang tapusin ang 14-day quarantine nila sa NCC.

“Mina-manage pa rin kasi ang kanilang nararamdam­an. Pero once na wala na silang sintomas ay ibabalik na sila sa kanilang mga kuwarto sa New Clark City,” ani Vergeire.

Tiniyak rin naman ni Vergeire na pawang nasa maayos na kondisyon ang naturang pitong Pinoy repatriate­s.

Kaugnay nito, bumaba naman ang presyo ng gulay sa kabila ng normal na suplay nito sa Benguet bunsod na rin ng banta ng COVID-19.

Ayon kay Agot Balanoy, head ng Benguet Farmers Marketing Cooperativ­e, sa ngayong unang quarter ng taon ay pahirapan ang bentahan ng highland vegetables sa mga trading post, pero normal ang suplay ng gulay, kaya mababa o bagsak presyo na ito.

Aniya, kaya mahina ang bentahan ay dahil sa epekto ng COVID-19, dahil maraming mga buyers sa mga hotel, restaurant at resorts ang nagbawas ng order, dahil kaunti ang local at foreign tourists.

Tinatayang aabot sa 130,000 magsasaka sa Benguet ang nag-susuplay ng highland vegetables sa iba’t ibang pamilihan sa sa bansa.

“Today, which is not really so different from the past weeks, the prices of basic commoditie­s are all below cost of production in La Trinidad, except for potatoes na steady sa price na P45 to 55 per kilo,” ayon pa kay Balanoy.

 ??  ?? ‘DI KAMPANTE Dahil sa takot sa coronaviru­s disease 2019, nagsuot na rin ng mask ang mga turista sa Rome, Italy, nitong Huwebes.
‘DI KAMPANTE Dahil sa takot sa coronaviru­s disease 2019, nagsuot na rin ng mask ang mga turista sa Rome, Italy, nitong Huwebes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines