Richard at Sarah wedding, bigatin ang mgabisita

Balita - - Front Page - Nitz Miralles

SA March 14, 4pm., na ang wedding nina

Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa isang five star hotel na ‘wag na hindi na namin isinulat for security reasons dahil malalaking pulitiko at ibang tao sa gobyerno ang mga imbitado.

Ang kasal nina Richard at Sarah ang pinakamala­king kasal this year dahil tatlong presidente ng bansa ang magsasamas­ama bilang principal sponsors. Sila’y sina President Rodrigo Duterte, former Philippine Presidents Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.

Kabilang pa sa principal sponsors sina Senate President Vicente Sotto, Senators Manny Pacquiao, Cynthia Villar at Bato dela Rosa, Salvador Panelo, Congressme­n Martin Romualdez, at Bong Suntay. Congresswo­man Lucy Torres-Gomez at Mayors Chavit Singson, at Richard

Gomez.

Magkikita sina Atty. Felipe Gozon ng GMA Network at Carlo Katigbak at

Mark Lopez ng ABS-CBN na kasama pa rin sa principal sponsors. Kasama rin sina

Vic del Rosario ng Viva Films at Viva Communicat­ions at Lily Monteverde ng Regal Entertainm­ent.

Kabilang sa Groomsmen ni Richard ang brothers na sina

Rocky at Ritchie Paul

Gutierrez at mga kapatid

pa ni Richard na sina Tonton Gutierrez at Monching Gutierrez. Kasama sa Bridesmaid­s sina Bela Padilla, Yassi Pressman, Coleen Garcia at Janine Gutierrez.

Secondary Sponsors sina Aga Muhlach

at Charlene Gonzales-Muhlach (Candle), ( Robin Padilla at Mariel Padilla (Veil) at Vice Ganda at Angel Locsin (Cord). Coin bearer ang eldest boy nina Richard at Sarah na si Zion Gutierrez at ang youngest nilang si Kai Gutierrez ang ring bearer.

Ilan pang pamilya ang pangalan na kasamang principal sponsors sina Malou Santos, Dr. Z’ Shen Teo at Dr. Aivee Aguilar –Teo ng Aivee Clinic, Assunta de Rossi at husband Jules Ledesma, Ben Chan, Cory Vidanes of ABS-CBN, Cathy Valencia, Mary Ann Opeῆa, Alice Eduardo, businessme­n Peter Coyiuto at Felipe Cruz, Jr., at GMA-7 director Dominic Zapata.

Sa grand ballroom ng hotel kung saan ikakasal sina Richard at Sarah ang reception ng kasal na siguradong big event din. Imagine big names sa politics at showbiz ang dadalo sa wedding of the year.

Sarah at Richard

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.