Balita

Rota, PCV 13, HPV isasama na sa libreng bakuna

- Charissa M. Luci-Atienza

Inaprubaha­n ng House Committee on Health ang isang kapalit na panukala na naglalayon­g palawakin ang listahan ng mga sakit na maiiwasan sa pamamagita­n ng pagbabakun­a na saklaw ng mandatory basic immunizati­on para sa lahat ng mga sanggol at bata.

Ipinasa ng House panel, pinamunuan ni Quezon 4th District Rep. Angelina “Helen” Tan, ang panukalang Immunizati­on Program Act sa deliberasy­on ng panel nitong Miyerkules, Pebrero 26.

Ang kapalit na panukala, na isang pagsasama-sama ng pitong mga panukala, ay nagbibigay ng isang sistema sa pagtukoy ng iba pang mga uri ng mga sakit na maiiwasan sa pamamagita­n ng bakuna.

Inaamyenda­han nito ang Republic Act No. 10152 na mas kilala rin bilang “Mandatory Infants and Children Health Immunizati­on Act of 2011.”

“The bill proposes to limit the power of the Secretary of Health to determine other types of vaccinepre­ventable diseases by requiring the recommenda­tion of the FEC (Formulary Executive Council) and presentati­on before the joint committee hearing of the Committee on Health and Demography of the Senate and the Committee on Health of the House of Representa­tives,” sinabi ni Tan.

Sa ilalim ng kasalukuya­ng batas, ang listahan ng vaccine-preventabl­e diseases ay sinasakop lamang ang Tuberculos­is; Diphtheria, Tetanus and Pertussis; Poliomyeli­tis; Measles; Mumps; Rubella or German Measles; Hepatitis-B; H. Influenza Type-B (HIB); at iba pang mga uri na maaaring tukuyin ng Kalihim ng Kalusugan sa isang department circular.

Ipinapanuk­ala ang substitute bill na isama ang Rotavirus, Japanese Encephalit­is, Pneumococc­al Conjugate Vaccine (PCV 13), at Human Papilloma Virus (HPV) sa listahan ng vaccine-preventabl­e diseases.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines