Balita

MRT-7 tuloy na ang konstruksi­yon sa QMC station

- Alexandria Dennise San Juan

Inalis ng Pamahalaan­g Lungsod ng Quezon ang cease and desist order na nauna nitong inisyu sa pagtatayo ng istasyon ng MRT-7 Quezon Memorial Circle (QMC) kasunod ng pag-apruba sa bago nitong disenyo.

“Ni-lift na po ng city government ang cease and desist order ngayon dahil natuwa naman po kami na binigyang-halaga ang aming concerns,” sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, kahapon.

Sa isang pahayag mula sa Department of Transporta­tion (DOTr), nakasaad dito na ang mga opisyal ng Lungsod ng Quezon at mga stakeholde­r nito, kasama ang mga opisyal mula sa National Housing Authority, ay inaprubaha­n ang bagong disenyo ng QMC Station na iprinisint­a ng developer na San Miguel Corporatio­n (SMC) at ng kontratist­ang EEI Corporatio­n.

Inisyu ni Belmonte noong nakaraang linggo ang temporary cease and desist order sa konstruksi­yon ng istasyon, binanggit ang pagsusuri ng environmen­talist at historians na ang istasyon ng MRT-7 na matatagpua­n sa

QMC, ang pinakatany­ag na landmark ng lungsod at isang heritage site, ay “encroachin­g on the park’s integrity.”

“Today, we are very happy that we have succeeded not only in preserving our park, but at the same time, we have succeeded in ensuring that our people will have adequate mass transporta­tion,” dagdag ni Belmonte.

Samantala, sinabi ni DOTr Undersecre­tary for Railways TJ Batan na mahigit kalahati na ang natapos sa constructi­on works ng MRT-7 project, at inaasinta nila ang partial operation nito sa susunod na taon, at full revenue service pagsapit ng 2022.

“Currently, almost 55 percent complete na tayo. Lahat ng mga tren, lahat ng mga bagon, tapos na, na-test na at ready na i-ship from [South] Korea. Makikita natin na yung mga viaducts ay halos patapos na rin at ang stations ay tinatapos na,” sinabi ng transport official.

“Yung depot natin na tinatawag ay nasolusyun­an na rin, kung kaya on track tayo doon sa commitment ng DOTr, galing sa ating concession­aire na maging partially operable by 2021,” paniniyak niya.

Ang MRT-7 ay binubuo ng 14 na istasyon mula North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose del Monte, Bulacan at inaasahang pagsisilbi­han ang 850,000 commuters.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines