TIYANAK

Ika-56 na labas

Balita - - Libangan - R.V. VILLANUEVA

MATAPOS ang saglit na pagpapahin­ga sa health center ng barangay Alagaw, magkatulon­g na niligpit nila Allea at Mylene ang mga gamit at gamot na ginamit nila sa mga pasyente na binigyanng libreng serbisyong medikal. Magkatulon­g din nilang isinara ang mga bintana ng maliit na gusaling nakatirik sa sentro ng barangay. Matapos isara ang pinto, magkasunod na lumabas sila Allea at Mylene ng barangay health center para umuwi. Si Mylene, tinahak ang maliit na sementadon­g daan papunta sa barangay road na kinaroonan ng paradahan ng mga traysikel na bumabiyahe papunta sa bayan na nakakasako­p sa barangay Alagaw. Dahil kilalang-kilala na sa barangay at pinapahala­gahan ng tao ang serbisyong ipinagkaka­loob niya, agad lumabas sa traysikel ang lalaking nakaupo sa loob at ibinigay sa kaniya ang upuan.

“Salamat po,” wika ni Mylene na tinanggap ang pabor ng lalaki.

Dahil sapat na ang bilang ng pasaherong kailangans­a biyahe patungo sa bayan, lumapit na ang nagmamaneh­o ngtraysike­l, sumakay at binuhay ang makina. Kahit may nakasabit na ilang pasahero sa traysikel na nakasanaya­n na sa ganitong sasakyang pampubliko, nakahanap ng puwang si Mylene para makita si Allea na alam niyang naghihinta­y na umalis ang kinalulula­nan niyang traysikel. Dahil nanatiling nakatutok ang paningin sa traysikel na sinakyan ng katrabahon­g nurse sa health center, nakita ni Allea ang kaway ni Mylene bilang pamamaalan­g umalis ang kinalulula­nang sasakyan. Kasabay ng ngiti, ginantihan ng kaway ni Allea ang kasamahan sa trabaho at bagong kaibigan. Matapos maihatid ng tanaw, naglakad na siya papunta sa barangay Alagaw, ang bahay ng pamilya ni Tandang Mundong.

Habang binabagtas ang daan papunta sa pinakamata­ndang bahay sa sinilangan­g barangay, lihim na nasiyahan si Allea dahil kahit marami siyang kabarangay na pumunta sa health center walang nakakilala sa kaniya. Naghatid sa dalaga ng malaking tuwa ang pangyayari dahil naganap ang kaganapang kailangan niya sa misyong mabigyan ng katarungan ang malagim at karumal-dumal na krimeng naganap sa mga magulang na si Horacio at Karina. Napatigil si Allea sa paglalakad ng makarating sa nagsangang daan na ang isa papunta sa lumang-lumang bahay ng angkan ni Tandang Mundong at ang isa, sa bahay nilang sinunog ng tatlong lalaking sumalakay na armado ng itak at may takip sa mukha. Matagal na napatanaw si Allea sa direksyong kinatitiri­kan ng kanilang bahay habang patuloy na nangingili­d ang luha sa magkabilan­g pisngi. Hindi rin niya napigil ang sariling makaramdam ng naglalatan­g na galit at poot dahil nagbalik sa alaala niya ang malagim at karumal-dumal na krimeng naganap sa magulang mahigit sampung taon ang nakakaraan.

Sa matagal na pagkakatit­ig sa direksyong kinatitiri­kan ng bahay nilang sinunog, inudyukan si Allea ng isipang humakbang patungo sa lugar kung saan siya masayang namuhay kasama ang pamilya. Ngunit naudlot siya sa balak gawin dahil pumitik sa isip ang mahigpit na bilin ni Tandang Mundong na huwag pupunta sa lugar sa pangambang may makakilala sa kaniya. Matapos punasan ang mga luhang bumukal sa mata, humakbang si Allea para bagtasin ang daan patungo sa pinakamata­ndang bahay sa barangayAl­agaw. Dahil nakaharap ang dalaga sa direksyon ng lubugan sa paglalakad, hindi nakaligtas

sa kaniyang paningin ang araw na palubog dahilan para pumitik sa isip niya ang mga nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an. Pangyayari­ng nagtanim ng malaking takot at pangamba sa utak niya dahil sa paniniwala­ng lilitaw ang asbo, tambulisli­s, orokotok, asong Malindig, bonggo, tiyanak at iba pang nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.