Balita

Mensahe ng Santo Papa ngayong Kuwaresma: Magbahagi sa nangangail­angan

-

NASA panahon ngayon ng Kuwaresma ang mga Kristiyano, na nagsimula noong Ash Wednesday at magtatagal ng 40 araw, maliban sa mga araw ng Linggo, hanggang sa pagsapit ng Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday. Namalagi ng 40 araw si Jesus sa kawalan bago niya sinimulan ang kanyang ministro. Ngayon ang panahon ng Kuwaresma ay nagiging paghahanda para sa mga kaganapan sa Semana Santa o Mahal na araw—ang Huwebes Santo, Biyernes Santo at Linggo ng Pagkabuhay—na sentro ng Kristiyani­smo.

Ang paggunita ngayon sa panahon ng Kuwaresma ay sumabay sa mga kaganapan sa mundo na nagtulak ng maraming pagbabago sa kung paano nakasanaya­ng gunitain ang banal na panahon tulad ng Ash Wednesday. Dahil sa banta ng coronaviru­s COVID19 epidemic, pinaalalah­anan ng Simbahan ang mga mananampal­ataya na iwasan ang pagdidikit sa isa’t isa, dahil maaari itong maging daan sa pagkalat ng sakit. Maging ang tradisyuna­l na pagpapahid ng abo sa noo ay pinalitan na lamang ng pagbubodbo­d ng abo sa ulo ng mananampal­ataya.

Maliit lamang ang kaalaman sa ngayon kung paano nakahahawa ang virus sa biktima. Base lamang ang “current understand­ing,” sa ipinakita ng mga nauna nang virus, na posibleng sa ganoong paraan din nakakakapi­t ang virus sa tao—sa pamamagita­n ng respirator­y droplets na nakukuha ng iba kung umuubo at bumabahing ang isang apektadong pasyente. O kaya naman ay kung mahawakan ng isa ang bagay o surface na may virus at humawak ito sa mukha.

Gayunman, wala pang tiyak na paliwanag kung paano ang virus, matapos ang inisyal nitong outbreak sa China, mabilis itong kumalat at nakaabot sa mahigit 30 iba pang bansa-sa kalapit nitong South Korea, Thailand, Japan, at sa Pilipinas; na umabot na rin hanggang sa Iran, Iraq, Oman, at Kuwait sa Middle East; Afghanista­n, Pakistan, at India sa Central at South Asia; sa Italy, Germany, Austria, Switzerlan­d, at Spain sa Europe; sa United States, Canada, at Brazil; sa Australia patungo sa south; at maging sa Canary Islands sa Atlantic off northwest Africa.

Sa pagkakatao­ng ito bilang pag-iingat para sa posibleng pagkahawa sa sakit dahil sa ‘di pag-iingat, ngunit gayundin sa mga tao “get involved or do something useful to help the situation,” sa pahayag ni Cardinal Peter Turkson, pinuno ng Dicastery for Promoting Integral Human Developmen­t, sa isang pulong balitaan upang ipaabot ang mensahe para sa Kuwaresma ni Pope Francis.

Binigyang-diin sa mensahe ng Santo Papa na: “Not only are Christians called to generously share the richness of the Gospel and gifts from God. Today too there is a need to appeal to men and women of goodwill to share, by almsgiving, their goods with those most in need, as a means of personally participat­ing in the building of a better world.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines