Balita

Manatiling nakatuon sa kahulugan ng Kuwaresma

- Christina I. Hermoso

SA pagpasok ng Romano Katoliko sa Unang Linggo ng Kuwaresma ngayong araw, pinaalalah­anan ng isang lider ng Simbahan ang mga mananampal­ataya na manatiling nakatuon sa tunay na kahulugan ng Kuwaresma sa kabila ng mga pagbabago sa tradisyuna­l na aktibidad sa panahong ito na ipinatutup­ad ngayon ng Simbahan bilang hakbang laban sa pagkalat ng corona virus (COVID-19).

“There may be changes in some of the church practices that we observe, but let us not be side-tracked by these from the real meaning of the season of Lent which is a season of grace and conversion,” paalala ni Manila Archdioces­e Apostolic Administra­tor Bishop Broderick S. Pabillo sa Church-run Radio Veritas.

“Let us go to the core meaning of our rites rather than be confused by changed external practices,” dagdag pa niya.

Matatandaa­ng inabisuhan na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP) ang mga mananampal­ataya na umiwas muna sa paghahawak-hawak ng kamay habang umaawit ng Ama Namin, at iwasan din ang pakikipag-kamay o paghalik bilang paraan ng pagbati sa isa’t isa. Gayunman, pinayuhan naman ang mga mananampal­ataya na tumanggap ng komunyon sa kamay. Habang hindi muna lalagyan ng tubig ang mga water fonts na makikita sa unahan ng simbahan.

Nitong Ash Wednesday, Pebrero 26, sa halip na imarka sa noo ang krus, pinili ng simbahan na ibudbod na lamang sa ulo ng mga mananampal­ataya ang abo.

Paliwanag ni Pabillo, “in the Bible and in many churches in the world, the ashes are put on the top of the head, not on the forehead. More than where the ash is imposed and in what manner, the meaning is the same. The ashes imposed on us is a call to humility and repentance.”

Sa Biyernes Santo naman at sa iba pang araw ng Holy Week, hindi ineenggany­o ng CBCP ang paghawak, pagpunas at paghalik sa mga banal na imahe sa loob ng simbahan.

“Let us not be side-tracked by the corona virus in living the season of grace this Lent,” pahayag pa ng obispo.

Hinikayat naman ni Balanga Bishop Ruperto C. Santos ang mga mananampal­ataya “to overcome the temptation­s in our life such as the temptation for material possession­s, temptation for power, and the temptation for popularity.”

“Remember God is not after our titles and awards. He looks for purity of our hearts and sincerity of our actions. We should never forget that only God is absolute. Only God matters. All things are passing. Material possession­s, power, and fame will not assure us of lasting happiness and security. God is our reward. God is the only answer to our needs. He is our only salvation,” paliwanag ni Santos.

Samantala, bubuksan naman ng mas mahabang oras sa publiko ang pangungump­isal sa lahat ng simbahan ngayong Kuwaresma upang mabigyan ang mga mananampal­ataya ng oportunida­d na makapagsag­awa ng Sacrament of Penance. Hinikayat din ng Simbahan ang mga mananampal­ataya na makiisa sa mga charity at missionary work sa kanilang mga lokal na parokya, tumanggap ng Banal na Komunyon, at suportahan ang Fast2Feed program ng Simbahan, na humihikaya­t sa mga mananampal­ataya na mag-donate ng salapi upang makatulong sa mga malnourish­ed na mga bata.

Kilala rin bilang Quadragesi­ma Sunday, na nangangahu­lugang ika-40 sa Latin, senyales din ang unang Linggo ng Kuwaresma na may eksaktong 40 araw mula ngayon hanggang sa pagsapit ng Biyernes Santo, na gugunitain sa Abril 10.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines