Balita

‘DOTS’ mas pinaaga

- Eksena sa ‘DOTS’ Ni NORA V. CALDERON

MARAMINGre­questsnati­nanggap mula sa mga netizens ang GMA Network kung pwedeng mas paagahin ang timeslot ng Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendant­s of the Sun. Simula noong February 10, 2020, napapanood ito sa second slot ng Primetime Telebabad. Nauuna sa kanila ang Anak ni Waray VS Anak ni Biday, pagkatapos ng 24 Oras. Kaya naman bilang pasasalama­t ng network sa kanilang mga tagasubayb­ay ng programa ng GMA mula umaga hanggang gabi, mababago na ang timeslot ng Primetime Telebabad simula sa Lunes, March 2.

At mauuna na ang “Descendant­s of the Sun PH,” ang feel-good and action-packed scenes, mula sa stellar cast sa pangunguna nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes as Captain Lucas Manalo or Big Boss at Ultimate Star Jennylyn Mercado as Dr. Maxine dela Cruz or Beauty at sina Rocco Nacino as TSgt. Diego Ramos or Wolf at Jasmine Curtis Smith as Captain Moira Defensor. Mapapanood sila pagkatapos ng “24 Oras.”

Susundan na sila ng romanticco­medy series na “Anak ni Waray VS Anak ni Biday” nina Barbie Forteza at Kate Valdez with Snooky Serna at Dina Bonnevie at si Migo Adecer at 8:35 PM.

Lalo namang pinag-uusapan ang tumitindin­g eksena ng drama series na Love of my Life. Hindi matatawara­n ang pagmamahal ni Isabella (Coney Reyes) sa anak na si Stefano (Tom Rodriguez) na may pancreatic cancer. Gustong makasama pa nang matagal ni Stefano ang asawang si Adelle (Carla Abellana) at anak nitong si Andrei at ang ex-girlfriend niyang si Kelly (Rhian Ramos) at ang anak nilang si Gideon. Magkakaayo­s na ba ang ina at bunsong kapatid ni Stefano na si Nikolai (Mikael Daez) na black sheep ng pamilya, dahil lumulubha na ang sakit ni Stefano?

At simula rin ngayong Lunes ang finale week ng Korean drama na Angel’s Last Mission.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines