Balita

3 PH films pasok sa India-based filmfest

- Ni REGINA MAE PARUNGAO

KABILANG ang mga pelikulang Kaputol, Kalel, 15, at Jesusa sa 13 entries na sasabak sa Asian Competitio­n category ng 12th Bengaluru Internatio­nal Film Festival sa India.

Ang pelikulang “Kaputol” ay isang pelikula sa loob ng pelikula na pinagbibid­ahan nina Cherie Gil at Alfred Vargas, na gumaganap sa dalawang magkaibang karakter. Si Cherie ay si Kiki at Rina, habang si Alfred ay si Robert at Caloy. Umiikot ang kuwento nito sa mga isyu ng represyn at Desapareci­dos.

Bukod naman sa 12th Bengaluru Internatio­nal Film Festival, sasabak din ang “Kaputol” sa European premiere sa Marso.

Ang “Kalel, 15”naman ay patungkol sa buhay ng isang Catholic boy. Maliban sa kanyang ina at kapatid, wala nang nakaaalam na siya ay anak ng isang pari. Sa paghahanap niya ng pag-ibig at pagkilala nakikipagk­ita siya sa iba’t ibang tao na nakikilala niya sa online, hanggang sa isang araw ay madiagnose­d siya na may HIV.

Nang lumayas at sumama ang kanyang ina sa katipan nito, naiwan si Kalel kasama ng kanyang kapatid at boyfriend nito. Nang mapalayas sa kanilang bahay, walang ibang mapuntahan si Kalel kundi sa kanyang ama, na nagbigay sa kanya ng pang-renta. Gayunman, binili ni Kalel, 15, na gamitin ang salapi sa ibang bagay.

Pinagbibid­ahan ang pelikula nina Elijah Canlas, Jaclyn Jose, at ng namayapang si Eddie Garcia.

Samantala, pinagbibid­ahan naman ang “Jesusa” ni Sylvia Sanchez. Patungkol ang pelikula sa isang baog na babae na iniwanan ng kanyang asawa at sumama sa kabit nito. Naiwan sa kanya ang mga anak ng asawa, at napasok sa maruming gawain ng kanyang mga kapitbahay na drug addicts.

Tatakbo ang Bengaluru Internatio­nal Film Festival 2020 hanggang Marso 4.

 ??  ?? ‘Jesusa’
‘Jesusa’
 ??  ?? Eksena sa ‘Kaputol’
Eksena sa ‘Kaputol’
 ??  ?? ‘Kalel,15’
‘Kalel,15’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines