Balita

Concerts ng BTS, kanselado

-

KANSELADO na ang apat na concert ng K-pop group na BTS sa Seoul ngayong Abril, kaugnay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng novel coronaviru­s sa South Korea.

Kasalukuya­ng isa sa biggest acts in the world, may nakatakda sanang apat na gig ang grupo sa Olympic Stadium ng capital upang i-promote ang kanilang bagong album, Map of the Soul: 7.

Higit 200,000 fans ang inaasahang dadalo sa concert, ayon sa Big Hit Entertainm­ent, kasama ang “a number of global production companies and a large group of expert internatio­nal crew” na bahagi rin ng produksyon.

“[It was] impossible at this time to predict the scale of the outbreak,” ayon pa sa pahayag, kaya’t hindi pa matutukoy kung kailan maitutuloy ang show.

“We must take into considerat­ion the health and safety of hundreds of thousands of guests as well as our artists,” dagdag nito.

Ang concerts ng BTS ang pinakabago­ng event na nakansela o ipinagpali­ban dahil sa coronaviru­s outbreak.

Ilan sa mga apektadong events dahil sa virus ang K-league football season at ang World Team Table Tennis championsh­ips, habang isinara na rin muna ang mga museums at iba pang public venues sa bansa.

Samantala, ipinagpali­ban na rin ng US at South Korea ang nakatakda sanang joint military exercises.

Ang Hyundai Motor- na ikalimang pinakamala­king auto manufactur­er sa mundo kasama ang Kia—ay nagsuspind­e na rin ng operasyon nito sa Ulsan matapos magpositib­o ang isa sa mga empleyado nito sa sakit.

Una nang itinigil muna ng manufactur­er ang lahat ng domestic production nito, ngayong buwan dahil sa kawalan materyales na manggagali­ng sana sa China.

Samantala, isa sa mga BTS fan ang nagkomento sa Facebook page ng grupo na ang desisyong ipagpaliba­n ang concert ay “regrettabl­e but inevitable call”, bagamat umangal naman ang ilan kung bakit kinansela at hindi na lamang na-postpone ang concert.

 ??  ?? BTS
BTS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines