Balita

‘French Oscars’ sinalubong ng galit at protesta

- Protesta kontra sa French Oscars

HINDI naging maganda ang pagbubukas ng “French Oscars,” ang Cesars ceremony matapos itong salubungin ng protesta—habang binoycott don ni Roman Polanski – ang may pinakamara­ming nominasyon sa awards show—sa takot na sugurin ng publiko.

Isinisigaw ng mga raliyista ang “Lock up Polanski!” habang patungo sa Paris theatre kung saan idaraos ang awarding.

Ilang oras bago ang awarding, sinabi ni France’s Culture Minister Franck Riester na ang pagbibigay kay Polanski ng best director prize para sa An Officer and a Spy ay magiging

“symbolical­ly bad given the stance we must take against sexual and sexist violence”.

Habang nagtatalo ang French film industry sa loob nito sa pagbibigay ng agkilala sa controvers­ial director, na wanted sa United States para sa statutory rape ng isang 13-yearold girl noong 1977, pinili ring tanggihan ni Brad Pitt ang event, kung saan gagawaran sana siya ng honorary Cesar.

Pinili ring batikusin ni French star Adele Haenel, nominado para sa best actress ng Portrait of a Lady on Fire, ang Cesar academy, sa pagpapaula­n nito ng pagkilala sa gawa ni Polanski hinggil sa antiSemiti­c Dreyfus affair sa pagpasok ng 20th century.

“Distinguis­hing Polanski is spitting in the face of all victims,” ayon sa aktres, na una nang lumantad last year nang akusahan nito ang director ng kanyang unang pelikula, , Christophe Ruggia, ng seksuwal na pang-aabuso sa kanya noong 12anyos pa lamang ito.

“It means raping women isn’t that bad,” anito.

Samantala, napilitan namang magbitiw ang buong borad ng Cesars matapos ang pagkakakuh­a ni Polanski ng 12 nominasyon. BLIND HATE

Sinabi ni Polanski sa AFP na pinili niyang lumayo “what place can there be in such deplorable conditions for a film about the defence of truth, the fight for justice, blind hate and anti-Semitism?”

Nagdesisyo­n din ang kanyang producer, na si Alain Goldman, na ibo-boycott rin niya kasama ng buong team ng pelikula ang ceremony upang ipakita ang galit sa ginawang pagkondena kay Polanski, bagamat wala pa namang imbestigas­yon.

Samantala, nakatutok rin ang publiko kay Haenel at sa dati nitong partner, Celine Sciamma, na siyang nag-direct ng feminist ode “Portrait of a Lady on Fire”, na makakalaba­n ni Polanski para sa historical epic at ang Les Miserables ng Mali-born Oscar-nominated director na si Ladj Ly para sa best film.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines