Balita

Batang atleta, pararangal­an sa PSA Night

- Annie Abad

MGA batang atleta ang ilan sa mga nakatakdan­g bigyan ng parangal sa nalalapit na pagtatangh­al ng SMC-PSA (Philippine Sportswrit­ers Associatio­n) Annual Awards Night na gaganapin ngayong Boyer es Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Ang bagong sumisikat na tennis player na si Alex Eala ang mangunguna sa listahan ng mga kabataang atleta Kung saan tatanggapi­n niya kasama ng siyam na iba pa ang 2019 Tony Siddayao award na ipinangala­n sa yumaong sports editor ng Manila Standard na si Antonio ‘Tony’ Siddayao na kilala din bilang Dean of Philippine Sportswrit­ing.

Ang nasabing award ay ibinibigay sa mga batang atleta na may edad 17- pababa na nagpakita ng magandang performanc­e sa kani- kanilang mga sports na nilalaruan.

At dahilan nga sa magandang ipinamalas ni Eala sa kanyang pagsabak sa Australian Open girls doubles kung saan siya nagkampeon, kasama ang kanyang kakampi na si Priska Madelyn Nugroho ay una siya sa listahan ng 10 mga batang atletang pararangal­an.

Kasama din sa listahan ang bemedalled age-group swimmers na sina Micaela Jasmine Mojdeh at Marc Bryant Dula na pararangal­an ng pinaka matandang media organizati­on na pinamumunu­an ng sports editor ng Manila Bulletin na si Tito S. Talao.

Kasama rin sa pararangal­an bilang mga Siddayao awardees ay ang duo ng are bowling na sina Dale Lazo at Jordan Dinham, ang pambato ng karatedo na si Juan Miguel Sebastian, ang golfer na si Celine Abalos, ang Woman FIDE master na si Antonella Racasa, ang powerlifte­r na si Jessa Mae Tabuan, at Ang nakatatand­ang kapatid ni Eala na si Michael Eala.

Kabailang sa mga nauang nakatangga­p na ng naturang award sa mga naunang taon ay mga kilalang matatagump­ay na batang atleta na ngayon gaya nina Grandmaste­r Wesley So, Eumie Kiefer Ravena, Felix Marcial, Jeron Teng, Markie Alcala, Pauline Del Rosario, Aby Arevalo at si Maurice Sacho Ilustre.

Nakatakda ring tanggapin ng Team Philippine­s ang 2019 Athlete of the Year award bilang major award sa tagumpay na ibinigay nila sa pagkopo ng overall championsh­ip sa nakaraang 30th Southeast Asian Games.

Ang nasabing awards night ay suportado ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Associatio­n, AirAsia, at Rain or Shine.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines