Balita

FEU Baby Tamaraws, umusad sa UAAP Finals

-

NAKABALIK sa Finals ang Far Eastern University-Diliman pagkaraang dispatsahi­n ang Adamson High School, 78-65, noong Biyernes ng hapon sa pagtatapos ng UAAP Season 82 Juniors Basketball Tournament stepladder semifinals sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Nanguna si Penny Estacio na nagtala ng 18 puntos at tig-4 na assists at rebounds sa nasabing biyahe ng Baby Tamaraws pabalik ng Finals mula ng magkampeon sila noong 2017.

"Siyempre, masaya kaming nakabalik kami sa Finals despite 11 players ang nag-graduate sa amin last year," pahayag ni FEU Diliman coach Allan Albano.

Maliban kay Estacio, nagpamalas din ng magandang laro para sa Baby Tamaraws si Mark Padrones na umiskor ng 14 puntos st 4 na rebounds off the bench gayundin si Cholo Anonuevo na may 9 na puntos at 14 boards.

Gayunpaman, ang mahigpit nilang depensa ang nagsilbing susi upang mapigil nila ang Baby Falcons partikular ang mga key players nitong sina Season MVP Jake Figueroa at John Erolon na nagtala ng 11 at 7 puntos ayon sa pagkakasun­od.

Nalimitaha­n ng Baby Tamaraws sina Figueroa at Erolon sa tig-isa lamang field goal sa kabuuan ng laro at ang buong Baby Falcons squad sa 30 percent field goal shooting.

"Nagawa namin yung game plan naming i-stop si Figueroa at Erolon. Masaya akong ginawa ng mga bata yung homework nila," ayon pa kay Albano.

Nakatakdan­g makatungga­li at hamunin ng FEU-Diliman ang undefeated defending champion Nazareth School of National University sa best-of-three Finals simula sa Marso 6. Marivic Awitan

Iskor:

FEU-D (78) -- Estacio 18, Padrones 14, Bautista 11, Anonuevo 9, Pasaol 8, Bagunu 6, Sleat 6, Saldua 5, Libago 1, Remogat 0.

AdU (65) -- Barcelona 12, Figueroa 11, Quinal 10, Abdulla 8, Erolon 7, Guarino 5, Cosal 4, Dominguez 4, Hanapi 4. Quartersco­res: 2417, 43-31, 62-51, 78-65.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines