Balita

Nominasyon sa PSHOF simula na

- Annie Abad

SISIMULAN na ang pagrepaso sa mga nominado para sa 2020 Philippine Sports Commission (PSC) Hall of Fame.

Magsisimul­a ngayon ang pagtanggap ng nominasyon para sa bagong batch ng mga pamosong atleta na mailuluklo­k sa PSHOF.

Sisimulan ng Review and Evaluation Committee ang proseso ng nominasyon ngayong araw na it bilang unang hakbang sa pagpili ng mga awardees bilang ikaapat na batch.

Ang Republic Act No. 8757 na kilala din sa tawag na PSHOF Act ay nagbukas ng nominasyon para sa mga amateur at profession­al athletes, gayundin ang mga coaches o to na nagbigay ng karangalan sa bansa sa kani-kanilang sports.

Napagkasun­duan ng 2020 selection committee sa pangunguna nina PSC Chairman William Ramirez at Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, na kumuha lamang ng 10 pararangal­an ngayong taon.

Ang mga nominado ay kailangan na naghatid ng kakaibang marka sa kasaysayan sa pagkopo ng gold, silver o bronze medal sa mga prestihiyo­hong internatio­nal competitio­n na kanyang sinalihan gaya ng Summer Olympic Games, World Championsh­ips, Asian Games at Southeast Asian Games.

Makakatuwa­ng nila sa pagpili ang review committee na bubuuin ng mga sports media, upang salain ang mga nominado.

“We recognize the valuable knowledge of our sports chronicler­s when it comes to this, so we will ask for their help,” pahayag ni Ramirez.

Kasama ni Ramirez sa lupon ng selection committee sina Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino bilang vice chairman, habang kasama naman bilang mga kiyembro sina POC Secretary-General Atty. Edwin Gastanes, Integrated Cycling Federation of the Philippine­s SecretaryG­eneral Atty. Avelino Sumagui, ang SEA Games gold medalist at Philippine Olympians Associatio­n President na si Akiko Thomson Guevara at , University Athletic Associatio­n of the Philippine­s (UAAP) Executive Director Atty. Rene Saguisag Jr.

Ang mga nomination forms ay maaring mai- download buhat sa PSC website at Facebook account.

Padadalaha­n din ng mga nomination forms ang iba't ibang unibersida­d, mga gobyerno at pribadong tanggapan upang magpasa jg kanilang nominasyon hanggang Mayo 31.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines