2 bata, patay sa pagsabog

Balita - - Front Page - Ni ALI G. MACABALANG Ali G. Macabalang

COTABATO CITY – Patay ang dalawang bata nang masabugan umano ng granada habang sila ay naglalaro sa Sultan Mastura, Maguindana­o, kamakailan.

Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Daniel Amora, 7, at Omar Amilol, 5, kapwa taga-Bgy. Macaviso ng nabanggit na lugar.

Tinangka pang isugod sa Sanitarium Hospital ang mga ito ngunit binawian na rin sila ng buhay dahil sa tama ng mga shrapnel.

Inihayag ng imbestigad­or, bago maganap ang insidente ay nakita pang naglalaro ang dalawa sa likod ng isang bahay, dakong 2:30 ng hapon, ayon kay Major Bangon Mamako, Sultan Mastura police chief.

Naniniwala rin ang mga residente na posibleng naglalaro ng granada ang dalawa hanggang sa sumabog ito. Naiulat na natanggal ang kanang braso ng isa sa dalawang bata dahil sa lakas ng pagsabog.

Gayunman, iniimbesti­gahan pa ng pulisya ang nasabing kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.