Lovi, okay makatrabah­o si Rocco

Balita - - Front Page - Nitz Miralles

SABI ni Lovi Poe, maayos ang paghihiwal­ay nila ni Rocco Nacino, pero sa isang interview, nabanggit ni Rocco na ayaw muna niyang makatrabah­o si Lovi. Kaya nang ma-interview si Lovi para sa promo ng movie niyang Hindi Tayo Pwede ng Viva Films na showing na simula bukas, March 4, isa ang isyu sa kanila ni Rocco ang natanong sa kanya.

“Ako, I’m okay to work with him. But if he says that he’s not okay to work with me, it’s okay. It’s not really a problem. We get to work with different actors,” sagot ni Lovi sa tanong.

Nakarating pala kay Lovi ang pahayag ni Rocco na ayaw muna siyang makatrabah­o at hindi raw siya nasaktan. “I wasn’t hurt. I respect that and I’m super deadma about it,” wika ni Lovi.

Maliit ang GMA Network, pero hindi pa nagkikita sina Lovi at Rocco sa network after nilang mag-usap para bigyan ng closure ang break-up nila. Sabi uli ni Lovi, kapag nagkasalub­ong sila ni Rocco, babatiin niya ang aktor.

“From my point of view, I guess things happened and some people probably just see things differentl­y you know. We moved on differentl­y,” dagdag na pahayag ni Lovi.

Sabagay, matagal nang sinabi ni Rocco na ayaw muna niyang makatrabah­o si Lovi, naka-move on na sila pareho at happy na sa bago nilang love life. Baka naman nagbago na ang desisyon ni Rocco at puwede o kaya na niyang makatrabah­o uli ang ex niyang si Lovi.

Anyway, bukod sa Hindi Tayo Pwede, may two movies pang ipalalabas si Lovi at may gagawing pelikula sa Regal Entertainm­net. Any day now, magsisimul­a na silang mag-taping ng rom-com series na Owe My Love na produced ng GMA News and Public Affairs for GMA-7. Sa storycon pa lang, tawa na nang tawa sina Lovi at Winwyn Marquez, kaya tiyak na nakakatawa ang OML.

“Sobrang nakakatawa sina Ms. Ai-Ai (Delas

Alas) , direk Leo (Martinez) at ang iba pang kasama sa cast sa storycon at photo shoot pa lang. What’s more ‘pag nag-taping na kami. Sabi nga namin ni Winwyn at Benjamin (Alves), ano ang ginagawa natin dito,” pagtatapos ni Lovi.

Lovi

Rocco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.