Pamamaslan­g sa abogado, tinuligsa

Balita - - Balita - Czarina Nicole Ong Ki, Jeffrey Damicog at Light A. Nolasco

Binatikos ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpatay kay Atty. Bayani Dalangin sa loob ng opisina nito sa Talavera, Nueva Ecija, nitong Pebrero 28.

Sinabi ni CHR Spokespers­on Jacqueline Ann de Guia, nakaaalarm­a na ang tumataas na bilang ng insidente ng pamamaslan­g at

extra-judicial killings sa mga abogado sa bansa.

Panawagan nito, dapat nang pagtuunan ito ng pansin at malasakit ng pamahalaan.

"These grave threats and attacks impair the ability of lawyers and other members of the justice sector to provide effective legal representa­tion and hamper them to freely exercise their profession," paliwanag ni de Guia.

Apela ni de Guia, dapat nang magsagawa ng mabilisan at sapat na imbestigas­yon ang Philippine National Police sa nasabing kaso upang hindi na ito maulit dahil humahawak ngayon ang mga abogado ng sensitibo at highprofil­e cases.

"Likewise, we call on the government to guarantee the safety and physical integrity of lawyers by providing adequate protection measures, and to be mindful of its internatio­nal treaty obligation­s to respect and guarantee fundamenta­l freedoms integral to the Internatio­nal Covenant on Civil and Political Rights," banggit pa nito.

Kaugnay nito, handa naman ang Department of Justice (DOJ) upang maimbestig­ahan ang kaso.

Ito ang tiniyak ni Secretary Menardo Guevarra, secretary ng DOJ at chairman din ng Inter-Agency Committee on Extra-Judicial Killings, Enforced Disappeara­nces, Torture and Other Grave Violations of the Right of Life, Liberty and Security of Persons.

“If there are any indication­s that the murder of Atty. Dalangin had anything to do with any of his advocacies, I will direct the interagenc­y AO 35 task force on EJK to conduct its own investigat­ion,” aniya.

Nasa loob ng kanyang opisina ang 73-anyos na abogado sa Bgy. Poblacion Sur, ng nasabing bayan nang barilin ng isang hindi nakikilala­ng lalaki, dakong 7:00 ng gabi.

Matapos ang insidente, kaagad na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo, ayon sa pulisya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.