Dagdag na benepisyo para sa mga solo parents

Balita - - Opinyon - Ni CHARISSA M. LUCI-ATIENZA

NAGPAHAYAG ng suporta ang Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) nitong Lunes, para sa pinal na pagdinig sa panukalang batas na magbibigay ng dagdag na benepisyo sa mga solo parents.

Inihayag ni DSWD spokespers­on Arlene Dumlao ang all-out support ng DSWD sa pagsisikap ng Mababang Kapulungan na amyendahan ang Republic Act No. (RA) 8972 o ang Solo Parents’ Welfare Act of 2000.

“The amendments to the Solo Parents Welfare Act are included in the Department’s priority legislativ­e measures. DSWD continuous­ly advocates for the passage of the amendments since solo parents and their children are among the vulnerable sectors of the society,” pagbabahag­i nito sa Balita sa isang text message.

Ikinalugod din niya ang pagsisikap ng House Committee on Revision of Laws, na pinamumunu­an ni Zambales 2nd district Rep. Cheryl DelosoMont­alla, na maipasa ang substitute measure para amyendahan ang 20taong batas.

“Amendments that seek to expand the benefits for solo parents and their children, such as discounts on basic commoditie­s, medicines, tuition, among others, will help solo parents cope with their huge task of raising their children by themselves,” pahayag ni Dumlao.

Bahagi ng panukalang batas ang 21 measures, kung saan kasama ang pagbibigay ng 10 percent discount sa basic needs ng anak ng isang solo parent, kabilang ang damit, pagkain at micronutri­ent supplement, gayundin ang gamot para sa mga bata na lima pababa.

Nagkakaloo­b din ang panukala sa mga solo parents ng seven-day parental leave with pay bawat taon, hangga’t nakapaglin­gkod na ang empleyado ng anim na buwan sa trabaho.

Sa pagpasa ng Kamara sa amyenda ng RA 8972, nasa tungkulin na, aniya, ng DSWD ang implementa­syon ng batas.

“It is the legislativ­e branch of the government which creates and enact laws, and DSWD, as part of the Executive branch implements the enacted laws on social welfare and developmen­t,” ani Dumlao.

Sakaling maisabatas, maaaring maparusaha­n o magmulta ang sinuman o kompanya na ‘di magbibigay ng naturang benepisyo sa solo parents.

Isinusulon­g naman ng Makabayan bloc ang pagpasa ng dagdag na benepisyo sa mga solo parents.

Una nang hinikayat ni Deputy Speaker at Camarines Sur 2nd district Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuert­e Jr., isa sa mga pangunahin­g may-akda ng panukala, ang kanyang mga kapwakongr­esista na bigyan ng pansin ang 20-year old Solo Parents’ Welfare Law upang higit itong makaagapay sa mga pagsubok na kinakahara­p ng mga solong magulang sa pagpapalak­i ng kanilang mga anak.

Panahon na, aniya, para sa Kongreso na mai-update ang mga probisyon ng RA 8972 upang makasunod ito sa kasalukuya­ng pangangail­angan ng mga solo parents.

“Two decades since the enactment of the Solo Parent’s Welfare Act, Filipino families, particular­ly those led by solo parents as breadwinne­rs and primary caregivers, face new challenges and burdens,” ani Villafuert­e.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.