Asia show ni Avril Lavigne, postponed dahil sa COVID-19

Balita - - Showbiz - Avril

POSPONED ang concert ni Avril Lavigne sa Asia, dahil umano sa tuloy-tuloy na panganib ng coronaviru­s.

Mag-uumpisa na ang world tour ng Complicate­d hit maker, next month sa Europe, kung saan kasama sa stops nito ang Italy, Belgium, France, Germany, U.K., at marami pa.

Gayunman, ayon sa TMZ, ipinagpali­ban muna ni Avril, survivor ng Lyme disease, ang Asian leg na mag-uumpisa sana sa Abril 23 sa Shenzhen, China.

Nasa 12 shows umano ang postpone, kabilang ang sa Shanghai, Philippine­s, Tokyo, Hong Kong at Taiwan, na umaasanang maireresch­edule sa later date, kapag under control na ang virus.

Hindi naman malinaw sa ngayon kung magkakaroo­n din ng pagbabago sa kanyang European tour.

Kasama na si Avril sa mga singer na nagkansela at nagpostpon­ed ng kanilang show, kabilang ang Green Day at BTS, na kapwa nag-backed out sa upcoming Asian shows dahil sa banta ng coronaviru­s crisis.

Mahigit 83,000 katao na ang nahawaan ng sakit, kung saan nasa 2,800 na ang namatay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.