Pekeng NBI official, timbog

Balita - - Front Page - Jeff Damicog

Isang lalaki na nagpapangg­ap umanong opisyal ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) ang naaresto ng mga tauhan ng ahensiya.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge Director Eric Distor ang suspek na si Generoso Bitalac LIm.

Pagbabahag­i ni Distor, Pebrero 26 nang madakip si Lim sa isang

entrapment operation na isinagawa ng NBI Special Action Unit (NBI-SAU) sa Barangay San Juan sa Cainta, Rizal.

Matapos maaresto ay iprinisint­a si Lim para sa inquest sa Office of the Provincial Prosecutor ng Rizal para sa kasong estafa at usurpation of authority.

Nag-ugat umano ang pag-aresto kay Lim matapos magreklamo ang isang babae na ang anak ay may nakahain na rape case sa korte.

Sa salaysay ng complainan­t, nagpunta umano si Lim sa kanilang bahay at nagpakilal­a na pinuno ng NBI’s Violence Against Women and Children Division (NBI-VAWCD).

Ayon kay Distor, hindi konektado si Lim sa ahensiya at ang NBI-VAWCD ay pinamumunu­an ni Olga Angustia-Gonzales.

Humingi umano ang suspek sa biktima ng salapi, dahil may kakayahan umano itong i-delay ang resolution ng kaso sa pagpapalib­an ng paglalabas ng warrants of arrests laban sa akusado, gayundin upang mapigilan ang paglalabas ng subpoenas sa respondent­s upang humarap sa pagdinig ng korte.

Tinakot din umano ng suspek ang biktima na maaaring ma-dismiss ang kaso sa pagkamatay ng anak nito.

Ayon pa umano kay Lim, ang akusado umano sa may malakas na kapit sa Mayor ng Cainta.

Dahil dito, humingi na ng tulong ang biktima sa NBI upang maaresto ang suspek.

Samantala, nanawagan naman si Distor para sa posibleng iba pang biktima ni Lim, na humarap at maghain ng kaso laban sa suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.