Turista puwede na ulit sa South Korea

Balita - - Front Page - Genalyn D. Kabiling , Mary Ann Santiago at Bella Gamotea

Muling pinahihint­ulutan ang mga turistang Pilipino na magbiyahe sa South Korea maliban sa ilang mga lugar na tinamaan ng novelcoron­avirus, inihayag ng Malacañang kahapon.

Sa bahagyang pag-alis ng gobyerno sa travel ban sa South Korea, sinabi ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo na ang mga Pilipino na maglalakba­y sa South Korea ay dapat pumirma ng isang written declaratio­n tungkol sa mga panganib sa kalusugan ng kanilang paglalakba­y sa ibang bansa.

Nabuo ang desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa meeting pulong sa opisina ng Department of Health nitong Martes.

“The IATF has approved to allow Filipinos to travel to South Korea except to the whole of North Gyeongsang Province, including Daegu City and Cheongdo County, where the virus outbreak is concentrat­ed,” sinabi ni Panelo sa isang pahayag kahapon.

“All Filipinos who intend to visit other parts of South Korea shall execute and sign a declaratio­n, signifying their knowledge and understand­ing of the risks involved in their trip. A health advisory pamphlet shall likewise be handed out to them upon their departure,” dagdag niya.

Gayunman, patuloy na pinagbabaw­alan ng gobyero ang mga banyaga mula sa North Gyeongsang na pumasok sa bansa bilang pag-iingat laban sa coronaviru­s.

“The ban on the entry of foreign nationals arriving from North Gyeongsang Province, including Daegu City and

Cheongdo County, into Philippine territory remains effective,” sinabi ni Panelo.

Gayundin, napagpasya­han ng gobyerno na huwag mag-isyu ng anumang mga bagong paghihigpi­t sa paglalakba­y sa ibang mga bansa sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng coronaviru­s sa ilang bahagi ng mundo.

“Guided by the Health Security Risk Assessment Matrix, which evaluates the hazard, exposure and context relative to the risks involved, the IATF has also agreed that there are to be no new imposition of travel restrictio­ns or lifting of the same as regards other countries or jurisdicti­ons,” sinabi ni Panelo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.