R18-B smuggling sisiyasati­n ng AFP

Balita - - Front Page - Martin A. Sadongdong

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) nitong Martes na nakikipag-ugnayan na ito sa mga sangkot na ahensiya ng pamahalaan upang maberipika ang ulat hinggil sa umano’y dalawang sindikato na nagawang makapagpus­lit ng dirty money na nagkakahal­aga ng $370 million o nasa P18.78 billion papasok sa bansa sa tulong – batid man o hindi—ng ilang militar, pulis at airport escorts.

Sinabi ni Brigadier General Edgard Arevalo, AFP spokespers­on, na magsasagaw­a ng sariling imbestigas­yon ang AFP hinggil sa ulat na inilabas ng Department of Finance (DOF) kung saan nabanggit si Customs Commission­er Rey Leonardo Guerrero na sinabing nakapaglus­ot ang crime syndicates na “Chinese” at “Rodriguez” sa bansa nang nasa $167.97 million at $200.24 million.

Inamin din ni Arevalo na nalaman lamang ng militar ang impormasyo­n mula sa mga balita na naglabasan, nang ihayag ni Senator Richard Gordon ang pagpasok umano sa bansa ng dirty money, na ayon sa senador ay maaaring magamit sa kriminal na aktibidad.

Ayon sa ulat ng DOF, kinumpirma ni Guerrero ang impormasyo­n ni Gordon na nakapag-smuggled ang “Chinese” crime syndicate ng salapi sa pagitan ng December 2019 hanggang January 2020 habang ang “Rodriguez” ay nagdala noong July 2019 hanggang January 2020.

May napaulat umanong mga “couriers” na may dalang mga maleta na puno ng cash pagdating sa main airports, na nakaligtas sa security protocols dahil ineskortan ng militar, pulis at airport personnel.

“Officially, we have heard that report only coming from the media. Wala tayong tuwirang impormasyo­n right now kung mayroon ba tayong AFP personnel na naka-assign doon for that period so allow us to check,” ani Arevalo.

Nakipag-ugnayan na rin, aniya, siya sa mga ahensiyang sangkot “to gather sufficient informatio­n so that we can verify it on our own.”

Samantala, ipinag-utos na umano ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa Customs bureau na makipag-ugnayan sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang higit pang matukoy ang detalye kung paano nakapasok sa bansa ang dirty money.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.