Balita

Sinibak na sekyu, nag-amok, nang-hostage ng 30 katao

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Isang security guard na sinibak sa trabaho matapos na mag-AWOL, ang nag-amok na nauwi sa pamamaril niya sa kanyang kapwa security guard at pangho-hostage pa ng tinatayang aabot sa 30 empleyado ng administra­tion office ng isang shopping center sa Barangay Greenhills, San Juan City kahapon.

Habang isinusulat ang balitang ito ay kasalukuya­n pang nakikipagn­egosasyon ang mga awtoridad at hinihikaya­t na pasukuin ang suspek na nakilala lamang na si Archie Paray, na guwardiya ng Safeguard Armor Security Corporatio­n (SASCOR) na nakatalaga sa VMall Greenhills Shopping Center, at sinibak matapos na mag-AWOL, at palayain ng ligtas ang kanyang mga hostage.

Samantala, naisugod na sa Cardinal Santos Medical Center ang biktimang si Ronald Velita, na officer-in-charge (OIC) na security guard ng naturang mall, na unang binaril ng suspek.

Batay sa ulat ng San Juan City Police, dakong 11:22 ng umaga nang maganap ang hostage-taking sa 2nd floor, ng Administra­tion Building, ng VMall (Virra Mall) Greenhills Shopping Center.

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, sa paunang imbestigas­yon ng pulisya, nabatid na nag-AWOL ang suspek kaya’t sinibak ito sa tungkulin.

Dakong 10:00 ng umaga nang magtungo umano sa mall ang suspek upang pumasok sana sa trabaho ngunit hindi na ito pinayagang makapagdut­y.

Tinangka umano ng guwardiya na hikayatin ang mga kasamahan na sumama sa kanya at ireklamo ang management ng mall ngunit tumanggi ang mga ito.

Dito na umano nag-amok ang suspek at binaril si Velita, na kaagad namang nalunasan at sa ngayon ay nasa maayos nang kondisyon.

Hindi pa nasiyahan, hinostage pa ng suspek ang mga empleyado ng admin building ng mall na matatagpua­n sa ikalawang palapag.

Sinasabing armado ang suspek ng baril at granada at isa sa mga hinaing umano nito ay ang hindi pantaypant­ay na pagtrato sa kanilang mga guwardiya.

Isa rin sa mga demand ng suspek ay makausap ang kanyang mga kasamahang guwardiya at mga miyembro ng media.

Kaagad namang ini-lockdown ng mga awtoridad ang naturang mall at pinalabas ang mga kostumer doon at pinagsara ng tindahan ang mga stall owners.

Gayunman, hindi kaagad napigilan ang mga taong nag-uusyoso sa lugar na panay ang pag-pe-Facebook Live at hindi mapaalis sa lugar.

Kaagad ding nagtungo sa lugar sina National Capital Regional Police Office Director PMGen Debold Sinas, Eastern Police District Director PBGen Johnson Almazan, gayundin si Zamora, upang personal na pamahalaan ang sitwasyon.

“On-going ang negotiatio­n (sa hostage-taker),” ani Zamora sa media. “He is armed,” pagkumpirm­a pa ng alkalde.

Aniya pa, ini-activate na nila ang kanilang crisis management team upang siyang mangasiwa sa pakikipagn­egosasyon sa hostage-taker, sa pamamagita­n ng video call.

Samantala, naglabas na rin naman ng pahayag ang Greenhills Center Management at kinumpirma ang nagaganap na hostage-taking sa loob ng mall.

Tiniyak rin nito na ang kanilang prayoridad sa ngayon ay ang kaligtasan ng mga hinostage na empleyado at ng publiko.

Masusi na umano silang nakikipagu­gnayan sa mga awtoridad upang matapos ang hostage-taking ng walang sinumang masasaktan, kasabay nang paghingi ng pang-unawa sa lahat ng naapektuha­n ng insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines