Bgy. councilor sa Bukidnon, tinodas

Balita - - News - Bonita L. Ermac

Isang 51-anyos na kagawad ng barangay ang binaril at namatay sa kanyang tahanan sa Purok 1, barangay Minsalirac, sa Quezon Bukidnon nitong Lunes.

Kinilala ni Police Major Mitchel C. Clemencio ng Quezon Municipal Police Station ang biktima na si Renato Etulle y Sardia, 51, kasala at barangay Minsalirac councilor.

Sa imbestigas­yon, lumalabas nab ago umano ang insidente, dakong 8:35 ng gabi nakatayo umano ang biktima sa kusina ng bahay nito nang bigla na lamang paputukan ng di nakilalang mga salarin, na nakatayo sa labas ng bahay ng biktima.

Nagtamo ng ilang tama ng bala ng baril ang biktima na agad nitong ikinamatay, ayon sa pulisya.

Nakuha naman sa crime scene ang isang piraso ng (1) live ammunition ng caliber .45, walong piraso ng (8) fired cartridge cases ng caliber .45, isang piraso ng (1) fired bullet ng caliber .45 at apat na (4) fired bullets ng caliber .45.

Patuloy pa ang imbestigas­yon ng pulisya para sa ikaaaresto ng suspek.

Samantala, hiniling naman sa publiko na makipag-ugnayan sa pulisya hinggil sa impormasyo­ng makapagtut­uro sa suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.