MDRR officer, patay sa pananamban­g

Balita - - News - Ni MARIE TONETTE MARTICIO

TACLOBAN City – Patay matapos tambangan ang isang Municipal Disaster Risk Reduction Officer ng Gandara, Samar sa Brgy. Adela Heights, Gandara, Samar, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Gandara Police Chief PCapt. Joselito Tabada ang biktima na si Alvin Estrelles, 47, residente ng Bgy. Adela Heights ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigas­yon, lumalabas na papauwi na umano ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo nang harangin ito ng salarin na sakay ng isang puting SUV na walang plaka at bigla na lamang pinagbabar­il ang biktima.

Nagtamo ng ilang tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima, sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Mabilis naman umanong nakatakas ang mga suspek sa di matukoy na direksyon matapos ang insidente.

Ayon kay Tabada, nagsasagaw­a na sila ng follow-up investigat­ion at pagtugis sa mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.