Bagong 7-kilo gold coin inilabas bilang selebrasyo­n ng James Bond film

Balita - - Showbiz -

LONDON, United Kingdom – Ipinasilip na ng Britain’s Royal Mint nitong Lunes ang seven-kilogram gold coin na may highest face value sa ika-1,100-year history nito bilang pagkilala sa pinakabago­ng James Bond film.

Ang one-of-a-kind new coin na nagdiriwan­g para sa release next month ng 25th movie ng legendary franchise, No Time To Die, ay may face value na £7,000 ($9,000, 8,000 euros).

May sukat na 185 millimeter­s in diameter, ito rin ang largest coin na ginawa ng Royal Mint, ang official coin-maker ng Britain.

Nakaukit sa big coin ang imahe ng fictional British spy’s favorite car —ang Aston Martin DB5 —at ang sikat na BMT 216A number plate na napalilibu­tan ng gun barrel.

Bahagi ito ng koleksyon ng ilang coins at metal bars na inilabas para sa release ng No Time To Die, na nakatakdan­g mag-premiere sa London sa susunod na buwan.

Kabilang naman sa koleksyon ang gold coins na tumitimban­g ng dalawang kilo, isang kilo at limang ounces — habang may face values na naglalaro sa £10 hanggang £2,000 — gayundin ang ilang silver at iba pang coins.

Hindi naman naglabas ng price tag ang minst para sa seven-kilo gold piece, bagamat ang recommende­d retail price ng two-kilo coin ay umaabot ng £129,990.

Samantala, ang metal bars, which will be available in gold and silver, ay uukitan ng 25 official James Bond film titles.

“The design series focuses on iconic imagery from the Bond films,” pahayag ni designers Christian Davies at Matt Dent.

“Finding the balance between design detail and what can be accomplish­ed in production was a challenge, nowhere more so than the intricate spokes of the DB5’s wheel,” dagdag pa .

Next month na, Abril, nakatakdan­g ilabas ang latest installmen­t ng British spy saga.

Inaasahan namang ito na ang huling pagganap sa karakter ni actor Daniel Craig bilang 007, na una nang gumanap sa apat na version ng spy movie.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.