UST judokas, kampeon uli sa UAAP men’s tilt

Balita - - Sports - Marivic Awitan

PINALAWIG ng University of Santo Tomas sa men’s division habang nakamit ng University of the East ang una nilang women’s crown sa pagtatapos ng UAAP Season 82 sa Mall of Asia Arena noong nakaraang weekend.

Pinangunah­an ang UST nina Gabriel Ligero at Russel Lorenzo sa pag-ungos sa University of the Philippine­s para makamit ang kanilang ika-apat na sunod na titulo.

Kumulekta ng dalawang gold at tigisang silver at bronze ang UST sa ikalawa at huling araw ng kompetisyo­n na katumbas ay 18 puntos upang maungusan ang Day 1 leader Fighting Maroons, 34-32 para maangkin muli ang titulo.

Na-upset ni Ligero ang featherwei­ght favorite na si David Gordon ng De La Salle University sa quarterfin­als bago tinalo si Miguel Gonzalvo ng Ateneo de Manila University sa finals upang m makopo ang gold.

Ginapi naman ni Lorenzo si UP judoka Paolo Cruz sa extra lightweigh­t final upang selyuhan ang ika-4 na sunod nna kampeonato ng UST.

Samantala, tinapos ng University of the East ang limang taong pamamayagp­ag ng UST sa women’s division.

Inangkin ni Veneza Dayao ang halfmiddle­weight gold upang makopo ng Lady Warriors ang una nilang women’s judo crown.

Dahil sa panalo ni Dayao kay Gabriele Mereria ng Ateneo, nakalikom ang UE ng kabuuang 30 puntos at naungusan ang Tigresses ng dalawang puntos

“Pinupush pa rin naman kami ni coach na mag-champion. May mga natatalo, pero hindi namin sila hinahayaan­g matapos sa isang game. Pinapabawi namin sila sa mga next,” pahayag ni Ligero.

“Sa ‘kin, gusto ko lang mag-champion, paulit-ulit. ‘Yun lang naman ‘yung nasa isip ko. Masaya kasi first time ko, tapos champion ulit kami. Bonus na lang ‘tong kung ano man ‘tong mga nakuha ko,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.